Chapter 6: First Kiss

398 17 0
                                    

Zoey's P.O.V

        Sabay sabay na napatingin sa amin sila Mommy, Daddy, Kuya, tito at tita na nagtatanong ang mga mata.

       "Oh magkakilala na pala kayo eh, so I think there's no problem between the two of you", nakangiting sabi ni tita.

       "I agree with you Sheya", pag sasang ayon naman ni Mommy.

       "So nasaan ang panganay mo, hindi pa ba siya uuwi?" tanong ni Daddy.

       "I think mga ilang buwan pa bago siya umuwi?, sagot naman ni tito.

       "My princess hindi mo naman sinabi sa akin na magkakilala na pala kayo ni Jack", may panunuyang bulong sa akin ni kuya habang kumakain naman sila Mommy pati sina tita.

        Kumunot ang noo kong tumingin kay kuya, sinamaan ko ito ng tingin dahil napakasama ng pagkikita namin ng lalaking nasa harapan ko ngayon.

       Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa kinakain ko. Nararamdaman kong tinititigan naman ako ni Jack. Fuck! I don't think this is a good idea!

                    --------¬🥀¬-------

Jack's P.O.V

        TAHIMIK lang akong nakikinig sa kanila at pinagmamasdan si Zoey habang kumakin. Fuck! How can she eat like that? she's so damn hot!

        Narinig kong may ibinulong si Ryle kay Zoey at napakunot naman ang noo ni Zoey. Ngunit hindi na niya ulit ito pinansin dahil itinuon nalang niya ulit ang atensyon niya sa kanyang pagkain.

       Naramdaman niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya ibinaling ko nalang ang tingin ko sa kinakain ko.

         Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili lamang kaming tahimik.

        "Hmm nga pala Zoey, tutulungan ka ni Jack na mag empake mamaya sa condo mo sa condo kana ni Jack titira para na din sa kaligtasan mo", pagbasag ni Mommy sa katahimikan.

                   --------¬🥀¬-------

Zoey's P.O.V

        "Hmm nga pala Zoey, tutulungan ka ni Jack na mag empake mamaya sa condo mo sa condo kana ni Jack titira para na din sa kaligtasan mo", sabi ni tita na ikinagulat ko kaya napa ubo ako at agad naman nila akong inabutan ng tubig.

      "Okay ka lang ba Zoey?", tanong naman ni Mommy.

      "Yes Mom", tugon ko at nagpakawala ng isang ngiti sa labi.

      "So, what's your answer iha?", tanong na naman ni tita.

       "Ahm sige po tita", iyan lang ang lumabas sa bibig ko sa mga oras na ito. Nakita ko namang ngumisi si Jack sa harapan ko.

        Naku po mali yata ang isinagot ko. Hayyss. Lagot siya sakin pag may ginawa siyang kalokohan! Sabi ko sa isip ko.

                 --------¬🥀¬-------

        Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kaming kumain. Umuwi na sila Tita kasabay sina Mommy. Sinabi kasi ni Mommy na sasabay na daw ako kay Jack dahil tutulungan pa akong mag empake nitong mokong  nato sa condo.

         Naiwan akong mag isa kasama ni Jack. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot.

         Nang makarating kami ay pagbubuksan sana niya ako ng kotse ng unahan ko. Akala mo ah.

         Nang nasa loob na ay aktong isusuot ko na ang seat belt ko nang maunahan na niya ako.

         "You're my soon to be wife at ako dapat ang mga gumagawa ng mga katulad nito", what?! Soon to be wife?! Napaka assumero mo talagang mokong ka akala mo naman magugustuhan kita?! Mga tanong na namuo sa isip ko.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now