Chapter 8: Falling

329 17 0
                                    

Zoey's P.O.V

        KAKATAPOS ko lang maligo at nagtungo nako sa kwarto, hindi ko naisuot ang salamin ko nung pumunta kami dito at naiwan iyon sa bahay. Nakita kong nakahiga si Jack at mukhang tulog na ito.

        Nakapantulog na ako at dahil hindi ako dugyot ay naligo na ako hindi gaya ng mokong na nakhiga ngayon. Napasapo ako sa noo ko nang maalala kong magkatani pala kami at... at hindi siya naligo. Ayoko sa lahat ay yung Dugyot!

        Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya nang mabuti. Fvck! Bakit ang gwapo niya pagtulog?! Gigisingin ko pa ba to? Paanon kung pagalitan niya ako? Eh pa'no naman ako ayoko nang dugyot lalo na't katabi ko siya sa iisang kama nuh.

         Yuyugyugin ko na sana siya nang magmulat ito nang mata. Shit!

         "Done checking my handsome face, love?", wika niya at nagulat ako, nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Am I checking his face? Tanong ko sa sarili.

         "H-huh h-hindi kaya!", wika ko at tumayo.

         "Don't deny it, love", wika niya, bumangon siya sa pagkakahiga at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

         "G-gigisingin lang s-sana kita!", pagpapaliwanag ko kay Jack na medyo nauutal na ako. Wait why am I explaining to him?

        "Bakit mo naman ako gigisingin?", tanong pa niya na may kasamang ngisi.

        "A-yoko lang kasi ng may katabing... Hindi naligo", pagpapaliwanag ko parin dito. Ano ba dapat kong sabihin! Bahala na!

        "W-what?", wika niya na parang nahihiya sa akin. Look at your face, HAHA hindi maipinta ang mukha nito.

        "In short ayoko ng dugyot", may diing wika ko nanlaki naman ang mga mata nito.

        "W-what hindi a-ako dugyot ah, tsaka kahit hindi ako maligo mabango pa rin ako, and I can sleep like this", pagmamayabang niya. Nag iinit na ang ulo ko sa lalaking to ah. Nakakainis!

         "Ikaw siguro oo makakatulog ka sa ganyang itsura mo, ako hindi kaya pumunta kana sa CR at maligo kana", wika ko at hinatak siya pupuntang CR.

         "T-teka lang", pagpupumiglas niya ngunit kinonotan ko nalang ito ng noo.

         "Ano na naman?!", tanong ko dito.

         "Kukuha lang ako ng damit ko", wika niya kaya kumalma ako.

         "Okay cge", tugon ko at bumalik na sa kwarto at humiga.

         Hayy namimiss ko na ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Ken.

         Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nagkakalapit ang mga mukha namin at nagkakatitigan kami ni Jack na nararamdaman ko lang noon kapag si Ken ang kasama ko. Am I falling in him? No it can't be.

          I miss my kuya siya lang ang napagsasabihan ko ng mga gantong problema ko. Hayy.

          Hindi ako makatulog kaya lumabas na muna ako saglit. May nakita akong bangko kaya pumunta ako doon at umupo.

           Tumingala ako sa langit. Napakagandang pagmasdan ang mga bituing nagniningning sa kalangitan bilog na bilog din ang bwan na syang mas lalong nagpaganda ng tanawin.

           Naalala ko pa nung palagi kaming nagcacamp nila kuya sa labas ng bahay para lang masilayan ang mga bituing ito at kung minsan pa ay naabutan namin ang meteor shower. Napakasaya nun sa pakiramdam. I wish I can restore all of that memories.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now