Chapter 34: Dare

242 15 1
                                    

          Nang sabihin niya iyon ay agad na din siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang mga sasakyang nakaparada na dito sa resort na to.

          Siguro ay excited sila masyado kaya maaga silang nakadating dito.

          "Zoey!!!", napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Chloe kasama ang iba pa naming mga kaibigan at empleyado ng Skywalker Inc. Nakita ko ang nakakunot na noo ni Ken habang nakatingin kay Jack. Problena nitong tubol na kaibigan ko? Ngunit nang tumingin ito sa akin ay agad na napawi ang pagkakakunot ng noo nito. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik.

           Lumapit silang lahat sa gawi namin ni Jack. Niyakap ako ng mga kaibigan ko at nang si Ken na ang yumakap sa akin ay nakita ko ang simpleng pag-irap at masamang tumitig sa akin si Jack. Ano namang problema nito? Shit! Naalarma ako nang mahalata ko kung bakit siya masamang nakatitig sa akin. Kaya agad naman akong humiwalay sa pagkakayakap kay Ken.

            "Tss." ani Jack at nauna ng pumasok sa resort. Paktay! Napasapo ako sa noo ko nang mapagtantong.... nagseselos siya... Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapasok siya sa resort.

            "Oh... I think you need to coax him", natatawang wika naman ni Trojan. Yes he's here.

            "Pfft. Jealous", ani Ken na natatawa din.

            "Siguro mas mabuting suyuin mo muna si Jack", nakangiting wika ni Ken pero alam kong pilit iyon dahil sa tono ng pagsasalita niya. May halong lungkot.

            "Let's go?", singit naman ni Liziel.

            "Aishh. Yan kasi...", narinig kong bulong ni Liziel... nope hindi iyon bulong dahil batid kong narinig din ng mga kasama namin iyon. Pagpaparinig ang ginawa niya. Tss. I have an idea!

            "Tss. Cheater...", pagpaparinig ko rin at nauna ng maglakad papasok. Narinig ko pa ang mga mahinang pagpigil nila sa tawa nila nang umalis ako.

                   --------¬🥀¬-------

              Nang makapasok ako ay agad akong nagtanong sa mga nag-oorganize ng resort kung saan ang kwarto ni Jack or should I say kwarto 'namin'. Napakabilis may mga naatasan kaagad na magpatakbo ng resort habang wala ang magpinsan dito.

              "Ahh excuse me miss? Saan po ang kwarto dito ni Jack?", tanong ko sa may babaeng nasa edad 25 yata? Na nag-aasikaso sa mga numver ng kwarto dito sa pinatayo nilang resort and hotel.

              "Ahmm. I'm sorry ma'am but I need to know who you are before I'll give the number of their room of his fiance", nakangiting wika ng babae.

               "I'm his fiance", nakangiting wika ko rin dito at tila nagulat naman din ito pero nginitian ko lang siya.

               "Ahh I'm so sorry ma'am I didn't mean it. Sorry", paghingi ng tawad ng babae at aktong yuyuko ito nang pigilan ko siya.

               "No. It's okay. No need to apologize", nakangiting wika ko at itinayo ito ng tuwid.

               Ngumiti ito sa akin. "Napakabait niyo naman pong tao. Kaya ho pala kayo nagustuhan ni sir Jack eh. He's so lucky to have you, ma'am. By the way his room number is room number 3004 in 3rd floor, ma'am", aniya at ibinigay sa akin ang key card ng kwartong iyon.

              Naglakad na ako papuntang elevator dahil sa 3rd floor pa iyon at tinatamad din akong maghagdan.

             Nang bumukas ang elevator ay kaagad kong pinindot ang 3rd floor. May mga kasama din akong siguro ay torista lang dito.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now