Chapter 5: Meeting

411 22 0
                                    

Zoey's P.O.V

        "Good morning iha", bati sakin ni manang Lori.

        "Magandang umaga din po manang Lori", tugon ko.

        Nagtungo ako sa dining area at nadatnan ko si Zeinbil na naka upo at parang inaantok pa. May mga nakahain na rin sa mesa, hindi ko na ito pinansin at umupo nalang ako sa paborito kong pwesto.

        "Hey gising na pala ang prinsesa ko", sabi ni kuya na kakalabas lang ng CR. Bakas sa mukha niya na naghilamos ito dahil medyo basa at tumutulo pa ang tubig sa buhok ni kuya.

        "Kuya sila Mommy asan?" tanong ko kay kuya na ikinakunot ng noo niya.

       "H-hindi ba sila nagpaalam sayo kanina?" nagtatakang tanong ni kuya.

       "Hindi naman po, bakit? 'San sila pumunta?" pagtugon ko kay kuya.

       "Ate hindi ka talaga pinuntahan nila Mommy kanina sa kwarto mo?" pagsingit naman ni Zienbil.

       "Hindi nga. Bakit saan ba kasi sila pumunta?" nagtitimping sagot ko.

       Kanina pa' ko tanong ng tanong pero ibinabalik sakin ung tanong eh. Bwisit!

       "Pinuntahan kasi nila Mommy, Daddy, Tita at Tito yung mag oorganize ng wedding niyo", iiling iling na sagot ni kuya Ryle.

       "At ate bukas daw ipapakilala sayo yung mapapangasawa mo", pagsingit na naman ni Zienbil.

      Naku! kanina patong batang to ah. Sabat ng sabat sa usapan ng mas nakakatanda sa kaniya. Kung di ko lang talaga to bunsong kapatid kanina ko pa nabatukan eh!

       "Zienbil! Stop interrupting my conversations with your sister!", sigaw ni kuya na halatang inis na inis na.

       "Zienbil step Enterrepting mey conversations with yer sister, eh kapatid din naman niya, tsk", narinig ko pang bulong ni Zienbil na alam kong narinig din ni kuya.

       "What did you say?!", sigaw ni kuya kaya pati si manang Lori ay lumabas sa kusina. Sabi na eh narinig niya.

       "I said you're so handsome but deaf, kuya", ani Zienbil na ikinatawa ko ng mahina. Nakatayo sa likod ni kuya si manang Lori at sinenyasan akong awatin sila pero umiling ako at kinindatan lang siya.

       "Ikaw ah ang bata bata mo pa namimilosopo kana!" ani kuya.

       "I'm not a kid anymore Kuya! I'm 14 and magbibirthday nako ilang araw nalang!", sigaw naman pabalik ni Zienbil.

       "Wala kang res--", pinutol ko na ang sasabihin ni kuya.

       "Wala kayong respeto. Nasa harap tayo ng hapagkainan tapos nagsisigawan kayo?" pagputol ko kay kuya.

Pareho silang napatingin ni Zienbil sa akin.

       "Maupo na nga kayo, jusko mga bata tama si Zoey at baka nakakalimutan niyong magkapatid kayo?", paglapit sa amin ni manang Lori na may dalang fried chicken.

       "Eh kasi naman--" pinutol ko na ulit ang pagsasalita ni kuya dahil sinubuan ko siya nung fried chicken na dala ni manang Lori.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now