Chapter 44: Anything

93 3 1
                                    

Zoey's P.O.V

Napamulat ako ng mata nang maramdamang may kung anong mabigat sa may bandang balikat ko.

Napangiti ako nang makita kong mahimbing na natutulog si Jack habang nakayakap ng mahigpit sa bewang ko, nasa loob pa ng suot kong pantulog ang kamay niya.

Dahan dahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sakin at dahan dahan rin akong tumayo saka lumabas ng kwarto at nagtungo ng kusina.

Nagkalkal ako sa ref kung meron ba akong pwedeng ilutong pagkain dahil gutom na rin ako, para kakainin nalang namin ni Jack eksaktong paggising niya mamaya.

May nakita akong hipon, kompleto rin naman ang mga kagamitan at kakailanganin sa pagluluto dito kaya naisip kong garlic buttered shrimp nalang ang lutuhin. Naiisip ko palang pero natatakam nako.

Hinuhugasan ko ang hipon nang may bigla akong naramdamang yumapos sa bewang ko mula sa likod na ikinakislot ko ng kaunti. Sa amoy palang nito ay alam ko na kung sino.

Isiniksik nito sa may leeg ko ang ulo niya saka ako inamoy amoy na ikinatawa ko ng marahan.

"Good morning, Love" he said and gave me a soft kiss on my neck.

"Good morning." bati ko rin sa kaniya.

"Love...." pagtawag nito sa atensyon ko. Hinugasan ko muna ang panghuling hipon at naghugas ng kamay saka ko pinunasan ang basang kamay ko saka siya hinarap.

"Hmm?" sabi ko bago isukbit ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinawakan naman nito ang magkabilang gilid
ng bewang ko.

"I want to cook for you. For us. Please?" sabi nito. Napangiti nalang ako dahil sa mukha niyang nakanguso ngayon na parang bata. Parang gusto ko tuloy kagatin ang labi niya, they're so red. Nahahawaan na ata ako ng pagkamanyak niya.

"Hmmm... What if I don't want to?" pang aasar ko habang nakatingin pa sa taas na animoy nag iisip saka ulit napunta ang paningin ko sa kaniya.

Naningkit ang mga mata niya, "Ah-uh, whatever. I'll cook and you stay there." sabay turo niya sa may upuan sa counter. Napanguso nalang ako sa pagkabossy niya. Kahit kailan talaga, dinadala niya pagiging boss niya kung saan saan.

"Okay but kiss me first." pag uutos ko dito na siyang ikinatawa niya naman.

Lumapit ang mukha niya sa akin saka niya ako binigyan ng matamis, mabagal at marahang halik.

Lumayo ito pero kinagat at hinabol ko ang labi niya.

Natatawa niya akong tinignan at iiling iling.

"Looks like someone's craving for my lips and not for the garlic buttered shrimp." sabi nito, napanguso nalang ako sa sinabi niya.

"Don't do that again, hmm? Baka ibang kainan ang mangyari dito sa kusina niyan." natatawa paring aniya saka ako binigyan ng halik sa noo.

"Just sit there and watch me, okay?" dagdag nito saka binalingan ng tingin nag counter. Tumango naman ako sa kaniya saka nagpunta na sa counter.

--------¬🥀¬--------

Pinagmamasdan ko lang siya habang niluluto niya ang ulam namin, ewan ko pero ang hot niya habang nagluluto para siyang propesyonal sa ginagawa niya at mas lalo pa akong nagkecrave sa buttered shrimp ngayon isipin ko palang na siya ang nagluto. Parang gusto ko tuloy na siya nalang magluto palagi ng ulam.

"Done." aniya saka niya ito isinalin sa mangkok na nasa hapag. Amoy na amoy ko ang masarap na amoy nito na lalong nagpalaway sa'kin.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now