Chapter 19: Good Night

248 16 0
                                    

Zoey's P.O.V

        NAPATINGIN ako kay Jack nang sabihin niya ang mga salitang iyon at hindi ko alam kung ulan ba ang tinutukoy niya pero pilit na sinasabi ng puso ko na binanggit niya ang second name ko.

        Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Bumagay sa kaniya ang buhok niyang basang basa na at may mga butil ng tubig na pumapatak patak.

        Lumapit ito sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko, hindi na niya inalis ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Wala akong nagawa kung hindi ang magpakalula sa kaniyang titig, pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. Nakita ko ang bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata.

        'Hindi nararapat na maging malungkot ang isang lalaking gaya mo Jack....', iyan ang mga katagang pumasok sa isip ko nang makita ko ang mga mata niya. I miss him...his emotionless face, cold eyes...but If you'll study his eyes, you'll see a little sadness that can hurt your heart.

        "B-bakit ganito ang nararamdaman ko sa' yo?", hindi ko alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko, pero seryoso ako. He smirk. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang emosyon ko.

        "Ano bang nararamdaman mo?", sabi niya na may kasama pang pagtawa, nang dahil sa sinabi niya ay parang gusto ng sumabog ng puso ko.

        "Are you In Love with 'ME'?", bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Am I really In love? I-I'm in love...

        "Y-yes but with someone", tila naguluhan siya sa aking sinabi kaya nangunot ang noo niya. I'm not in love with 'Me'...I am in love with Jack Achilles Ruiz Skywalker.

         "W-what? P-Pero ang sabi mo kanina---" nauutal niyang wika kaya pinutol ko na ang sinasabi niya.

        Tila wala lang sa amin ang ulan, basang basa na ang kaming dalawa pero hindi namin ito pinapansin.

         Ngumiti ako sa kaniya, "Because I'm in love with Jack Achilles Ruiz Skywalker and I'm not in love with 'ME---'"

        He claimed my lips gently. Nung una ay nagulat ako. Napapikit ako sa ginawa niya bago ako tumugon sa kaniyang halik. Naramdaman kong nilagay niya sa likod ko ang isang kamay niya. Hindi kona mapigilan ang sarili ko, gumalaw ang mga kamay ko papunta sa kaniyang batok na parang may sariling buhay, ngunit hindi ko diniinan ang paghahalikan namin. His kiss was so gentle...and full of love.

          He stopped kissing me. Pareho kaming naghahabol ng hininga. Bumaba ang mga kamay ko sa bewang niya at naramdaman ko ang mga maiinit niyang palad sa aking pisngi. He kissed my forehead.

         "I love you, Zoey", he said straight in my eyes. Ngayon ko lang nakita ang sobrang saya sa kaniyang mga mata.

        "I love you too, Jack", wika ko.

        "Achuu", napayuko ako nang bigla akong bumahing. Nilalamig na ako...

        "Let's go in my house, nilalamig kana. Bukas ko nalang ipapakita sa'yo ang sapa, malapit lang naman iyon sa bahay", nag-aalala niyang wika. Tumango lamang akonbilang sagot.

        Nagsimula na kaming maglakad ng mabilis papunta sa bahay ni Jack na malapit lang din dito.

       Umuubo ubo na rin ako. Naramdaman kong niyakap ako ni Jack nang nakatagilid.

      "Hey, are you still okay?", nag-aalala na talaga siya.

      "Y-yes", wika ko dahil kaya ko pa naman. Okay lang ako.

      *Cough *Cough

      "No you're not okay", wika niya.

      "Kaya mo bang tumakbo?", dagdag pa niya.

      "Mmm", tugon ko at tumango tango.

      Nagulat ako nang buhatin niya ako na parang bagong kasal at bigla nalang tumakbo kaya napakapit ako sa kaniya.

       "You're too weak right now to run, love", wika niya at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Ang tangi koblang na kagagawa ngayon ay ang tumitig sa kaniya at pigilang hindi lamigin.

                    --------¬🥀¬-------

       Ilang sandali pa ay sawakas narito na kami. Hindi pa rin ako binibitawan ni Jack.

       "Hey, stay here", wika niya saka ako iniupo sa sofa. Tumango naman ako.

        Nakita kong kumuha siya ng yero at mga kahoy. Nilagyan niya ito ng kaunting gas at saka sinindihan niya ito gamit ang lighter.

        May nakita akong kumot na inilagay niya sa sahig na malapit sa apoy. Binalikan niya ako at binuhat ulit. Inilapag niya ako sa kumot at pinaupo. Nakaupo ako habang yakap yakap ko ang mga paa ko nakasandal ang ulo ko sa aking tuhod. Tumayo si Jack at tinanggal nito ang kaniyang pag-itaas na damit. Isinampay niya ito sa kahaoy na malapit sa amin.

         "Take off your clothes", nagulat ako sa sinabi niya kaya napamulat ang mata kong tinabunan siya ng tingin.

          "Para hindi kana ginawin", dagdag niya. Tumango naman ako.

          Tumalikod na siya kahit wala pa akong sinasabi. Tinanggal kona ang pag-itaas kong damit at naka bra nalang ako ngayon. Aalis na sana si Jack nang may sabihin ako. Ayokong maiwan mag-isa rito nuh.

          "Where are you going?, D-dont leave me", wika ko na nagpatigil sa kaniya.

          "No I won't leave you, kukuha lang ako ng twalya, bibilisan ko", tugon niya.

          "Please faster....",wika ko, tumango naman siya at agad na tumakbo sa may pintuan ng isang kwarto.

          Wala pang ilang minuto ay nakabalik na siya, may dala na itong twalya. Nilapitang niya ako at kinumuton niya ang buong katawan ko. Kahit maikli lang ang twalya ay nakumutan ako dahil nakahalukipkip lang naman ako.

          Nagulat ako nang yakapin ako nito. Hindi ko magawang tugunan ang yakap niya dahil nakukumutan ang kamay ko at yakap niya ang buong katawan ko. Nanatili lang kaming nakaupo, naramdaman kong isinandal niya ang kaniyang likod kaya pati ako ay napasandal sa kaniyang dibdib.

          "Feel better?", tanong niya.

          "Until I'm with you...", bulong ko sa kaniya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

          "You will get sick...", dagdag ko.

          "Why? Hindi ako magkakasakit. Okay?", tugon niya, kahit papaano ay nawawala na ang lamig na nararamdaman ko. Isiniksik ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

          "I'm worried...", wika ko sa kaniya.

          "Don't worry, love", tugon niya.

          "Promise me...", halos bulong na lamang ang pagkakasabi ko nun, pero natitiyak ko na narinig niya ang mga salitang binitawan ko.

          "No. I won't promise you anything...do you know why?", tanong ni Jack.

          "Why?...", tanong ko sa kaniya.

          "I won't promise you anything....because promises are meant to be broken...", tila may kunting kurot sa puso ko nang bigkasin niya ang mga salitang iyon dahil sa pagkakasabi niya. Sa pagkakasabi niya non ay may bahid ito ng kalungkutan. Ayokong nagiging malungkot ka....

          "Instead of promising you... I will do it for you, love. So please don't be worried about me...." dagdag pa niya kaya naginhawaan ako nang sabihin niya iyon.

          Tumango ako at ipinilig ko na lamang ang ulo ko sa kaniyang matigas na dibdib. Ipinikit ko ang mga mata ko..."Good night, love....", iyan na lamang ang mga huling katagang narinig ko at hinalikan niya ang noo ko bago ako tuluyang makatulog sa kaniyang mga bisig.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now