Chapter 25: Little Boy

239 13 0
                                    

        Iyon ang nagpatibok sa puso ko ng tuluyan. The word sincere...

        Napangiti ako ng dahil doon. Ibinigay niya ng may ngiti sa akin ang mga bulaklak, ngunit hindi ko pa ito tinatanggap.

        "Bati na tayo?", muli niyang tanong sa akin. Binalingan ko naman ng tingin ang inilahad niyang bulaklak sa harapan ko.

        "Akin ba yan? Ung totoo?", nagtatampong tanong ko dahil ngayon niya lang ibibigay ang mga ito sa akin.

        "Hell yes!", Inabot niya uli sa akin ang mga bulaklak ngunit sa pagkakataong ito ay tinanggap ko na ng buong buo at galing sa puso.

         Pinagmasdan ko muna ang mga bulaklak na ibinigay niya saka ko Inamoy ang mga ito. Fvck! Sobrang bango ng mga bulaklak na ibinigay niya sa akin. Bawing bawi ka agad ang gago.

         Napangiti akong binalingan siya ng tingin, nakangiti ito na lubog na naman ang dimple. Hayy naggigigil ako.

         "So bati na tayo?", pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

         "Mmm" Tumango tango pa ako sa kaniya.

        "Bawing ba---", napatigil ako sa pagsasalita at napalingon ako sa batang umiiyak.

         Napansin kong wala itong kasama kaya lumapit ako sa kaniya. Agad namang bumuntot sa akin si Jack.

         Nang tuluyan na kaming nasa tabi ng bata ay napatitig ito sa amin ni Jack.

         "Ah bata sinong kasama mo? Nasan ang mga magulang mo?", tanong ko sa batang lalake na umiiyak.

        "Hindi kopo alam kung nasaan po sila, bumili lmg po ako ng cotton candy eh pagtingin ko po sa kanila wala na po sila doon", umiiyak na tugon nung bata.

        "Halika tutulungan ka naming makita ang mga magulang mo ha?", tumango tango naman ito.

        "Tara sakay ka dito?", aya ni Jack sa bata saka niya itinuro ang likod niya. Piggyback?

        Agad na sumilay ang ngiti sa bata at tumahan ito sa pag-iyak. Napangiti ako nang dahil doon.

        "1...2..3 yah!", bilang ni jackynang pasanin niya sa likod ang bata. Nang makasakay na ang bata sa likuran ni Jack ay tumayo na rin si Jack at tuwang tuwa ang bata.

        Natuwa ako dahil sa saya na makikita sa mukha ng bata. Para lang silang mag-ama ni Jack.

       Nagulat ako nang kunin ni Jack ang kamay ko at pinagsiklop ito, hindi ko mapigilang itago angngiti sa mga labi ko.

        "Ate asawa mo po si kuya?", nagulat ako nang tanungin iyon ng bata.

        "Hindi pa eh, pero balang araw", si Jack ang sumagot.

        Napatitig ako sa mukha ni Jack habang nakaside ang ulo niya, ang tangos ng ilong niya...

        Tumikhim ako, "Ah bata ano nga pala ang pangalan mo?", pag-iiba ko ng usapan.

        Nabaling sa akin ang atensyon nila.

       "Paris po", magalang na sagot nito sa akin.

       "Kayo po ano pong panagalan niyo?", tanong ng bata.

       "Ako si Zoey", tugon ko.

       "Ako naman si Jack", pagpapakilala ni Jack. Hindi ko alam kung paano niya nakakaya ang buhatin sa likod ang bata ng isa lang ang kamy na gamit niya dahil magkahawak ang kamay namin.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now