Chapter 43: Rest And Home

142 6 1
                                    

                 dedicated to Preslore
~~~

Zoey's P.O.V

"Baby, wait." pigil niya sa akin nang bubuksan ko na sana ang isa sa mga binili niya, maliliit lang ang bili niya, a sundae cup Ice cream. Nasa kusina kaming dalawa, nakatayo siya sa may gilid ko habang nakaupo naman ako sa harap ng mesa kung sa'n nakalapag ang sampong sundae cup na ice cream. Naka office attire pa rin siya at tanging coat lang niya ang tinanggal niya kanina pagka-uwi niya.

"What? Is there something wrong?" taka kong tanong kay Jack.

"Yup." He said popping the 'p'. Agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang ice cream na sana'y kakainin ko at ganon din ang iba pa saka ito inilayo sa akin.

"W-wait! What's the problem? Why are you taking away those ice creams from me?" nagtatakang tanong ko.

"These Ice creams are the problem. Stop eating ice cream It's not good for your health, and besides you ate all the ice cream lately. Baby, baka mamaya ubuhin kana naman niyan." sabi niya saakin. Aangal pa sana ako nang makita ang mukha at mga mata niyang nag-aalala. Napangiti naman ako nang dahil doon.

Agad na nawala ang gutom ko sa Ice cream at agad na lumapit sa kaniya upang yakapin siya. Nagulat pa siya noong una pero gumanti rin kalaunan.

"Okay, I won't eat it, now..." sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap, naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko pababa sa likod ko kaya napasiksik pa ako sa leeg niya at mahinang inamoy siya.

"Maybe I'll eat it next time." natatawang dugtong ko pa. Narinig ko naman siyang napabuntong hininga ng malalim kaya't natawa na ako.

"Huwag mo lang araw arawin at baka wala ng next time, okay?" pagbabanta niya pa sa akin saka humiwalay sa yakap upang tignan ang kabouan ng mukha ko. Ngumiti naman ako sa kaniya at saka tumango.

"That's right, Baby." sabi niya saka hinalikan ang noo ko.

                     --------¬🥀¬-------

Matapos niyang ilagay lahat ng mga ice cream na binili niya sa ref ay agad rin kaming naghanda ng mga pagkain at gagamitin sa hapag.

Nang matapos ay pinaghila niya ako ng upuan saka siya umupo sa harap ko at siya na rin ang naghain ng mga kakainin ko, sa una aangal pa sana ako but he said he 'insist' kaya wala na akong nagawa pa.

Kumakain na kami nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Napatingin siya sa akin na tila humihingi ng permiso, ngumiti lang ako saka tumango sa kaniya upang ipakita na okay lang sa akin na sagutin niya ang tumatawag dahil baka importante iyon. Napabuntong hininga muna siya bago sagutin ang tawag.

"Hello, Rusty?" Tanong niya sa kabilang linya.

"What? Why? May nangyari ba? Tungkol saan ang pag-uusapan namin? Hindi ba't katatapos lang ng meeting kanina?" nakakunot noo at sunod sunod na tanong nito.

"Ano?! Paanong nagleak ang tungkol do'n? Hindi ba't malinaw na ibinilin ko sa mga kasama sa meeting na huwag munang ipagkalat ang tungkol dito? Paanong nalaman nila ang tungkol dito?!" nagpipigil na sa galit ngayon si Jack. Agad akong kinabahan. Ano kayang nangyari? Bakit parang may malaki siyang problema? May hindi ba siya sinasabi sa akin?

Napunta bigla sa akin ang tingin niya, bigla ay napalitan ng pag-aalala ang mukha niya na kanina lang ay galit na galit na.

"Okay, okay. I'll just finish my dinner with my wife." Sabi nito at saka ibinaba kaagad ang tawag.

Bigla akong nahiya nang ma-realize ang sinabi niya kay Rusty, nahihiya pa rin ako kapag nababanggit niya ang asawa sa ibang tao dahil hindi pa naman kami legal o totoong mag-asawa pero ang saya pala sa pakiramdam na proud sa'yo ang taong mahal mo. Kilala ko na rin si Rusty, actually matagal na siyang magtra-trabaho sa kompanya nila Jack, parehas kami ng department dati nung kay Jack pa ako nagtra-trabaho. Matagal na siyang naninilbihan sa kompanya nila Jack, sa murang edad palang ni Rusty ay nandoon na siya. Nakilala kasi niya ang Daddy ni Jack at naawa naman si Tito sa kalagayan nila dati kaya nag-offer si Tito na magtrabaho nalang si Rusty doon. Kinuwento na sa akin ni Jack ang tungkol do'n

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now