Chapter 35: Envy

205 15 0
                                    

         Pagkatapos ng nangyaring iyon sa kwarto namin ay pinatawag na kami upang kumain ng tanghalian.

         Nakasakay na ako ngayon ng elevator kasama si Jack habang hawak hawak nito ang kamay ko in intertwined way, at nakasuot ako ngayon ng turtleneck dahil sa ginawa ng mokong na kasama ko ngayon. Fvck this hickey! Hindi ko alam kung bakit na naman ako tumugon sa halik niya. Ang alam ko lang ay pagdating sa kaniya ayparang lantang gulay akong sumusunod sa mga galaw niya.

          Bumukas na ang elevator at sabay kaming lumabas dahil kaming dalawa lang naman ang nakasakay doon.

         Tahimik lang naming binabaybay ang daan hanggang sa basagin ni Jack ang katahimikan.

         "Hey. Huwag mo ng takpan iyang nasa leeg mo.", sabi ni Jack kaya kinunutan ko siya ng noo at hinila ang kamay kong hawak hawak niya.

          "Kasalanan mo to eh!", paninisi ko naman sa kaniya.

          "What? I'm just marking what is mine", wika nito na natatawa pa.

          "Ano ba hwag ka ngang tumawa!", hinampas ko ang braso nito at bahagyang napasigaw ako kaya lahat ng nakakasalamuha sa amin dito ay pinagtitinginan kami. Kabwisit!

          "Aray. Don't shout, sige ka baka pagkamalan ka pang nambubugbog", bulong naman nito sa akin ng nang-aasar.

          "Ano?!" sumigaw ako ng kaunti sapat lng para kami lang ang makarinig.

          "Nothing", natatawang wika nito.

          Hindi ko nalang ito pinansin at nauna na akong naglakad sa kaniya papunta sa dining area.

                     --------¬🥀¬-------

           "Oh kamusta? Mukhang ikaw pa ata ang susuyuin ngayon ah---", napatigil sa pagsasalita si Trojan nang mapatingin siya sa suot kong turtleneck.

            "Oh bakit nakaturtleneck ka?", dugtong nito. Sasagot na sana ako nang may sumagot na nito mula sa likod ko.

             "What's wrong with that? Kung gusto niyang magsuot ng turtleneck neck hindi na niya kailagan pa ang opinyon mo. It's none of your business, my dear cousin", napatingin silang lahat sa nagsalita maging ako ay napatingin rin kahit na inaasahan kong susunod siya sa akin.

              Lumapit ito sa akin at bahagyang hinapit ang beywang ko at inalalayan akong maupo sa upuan. Ako naman ay walang alinlangang sumunod sa kaniya.

               Muling nabaling ang tingin ko sa lahat nang makaupo na si Jack.

              "Ohh. Hindi ikaw ang kausap ko Jack", natatawang ani Trojan.

              "Psh.", iyon na lamang ang isinagot ni Jack sa pinsan niya.

              Tumingin sa akin si Trojan na parang nagtatanong pa rin ang mga mata nito kung bakit ganito na lamang ang suot ko. Kaya napagdisisyunan ko nalang na sumagot.

              "G-gusto ko lang n-na magsuot ng turtleneck k-kasi m-malamig. Hehe", pinilit kong hindi mautal sa sasabihin ngunit nabigo ako at tinakpan na lamang iyon ng tawa.

              Napatingin ako kay Liziel nang makita na ang sama ng titig nito sa akin. Siguro kung nakakamatay ang titig ay patay na ako.

              Nang magtamaa ang paningin namin ni Liziel ay inirapan ako nito at saka ibinaling kay Jack ang tingin. Tss kala mo naman pipiliin!

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now