Chapter 7: Past

363 18 0
                                    

Zoey's P.O.V

         HINDI pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Gabi na ngunit hindi pa kami kumakain. Sinabi niya kasi na siya na ang magluluto kaya hindi nako nagpumilit pa.

          Ilang sandali pa ay natapos na rin siya sa pagluluto. Naaamoy ko dito sa sala ang amoy ng niluto niya. Adobo paborito ko ang adobo mukhang mapaparami ang kain ko ngayon.

           "Luto na ang pagkain!", pagtawag niya saakin.

           Inihanda ko na rin ang mga gagamitin namin para sa dinner. Plto, kubyertos at tubig.

            Lumabas na siya sa kusina at inilapag sa lamesa ang niluto niya. Hindi ko maitanggi na masarap ito dahil amoy palang ay masarap na.

            Pagkalapag niya no'n ay kumuha na siya ng plato at sinandokan ito ng kanin. Kukuha na rin sana ako ng plato ko nang sinabi niyang.

           "Sinandokan na nga kita eh para sa'yo to", aniya na ikinangiti ko. Naramdaman ko na naman na bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad ko nalang na kinuha ang platong may kanin na.

           "Thank you", sambit ko.

           "As always my love", tugon nito na ikinagulat ko. Kumuha na siya nang plato ang nilagyan ito ng kanin. My love?! Hindi mo ako pag aari no! Bulalas ko sa aking isipan.

            Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa ulam.

           "Hmmm", napapikit ako ng amoyin ko ito at napakasarap ng amoy.

          Pagdilat ko ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin si Jack.

          "B-bakit?", tanong ko nang hindi pa rin niya tinatanggal ang mga titig niya sa akin.

          Tila nabalik naman ito sa huwisyo ng tanungin ko iyon sa kanya.

           "N-nothing, how can you stay at good looking in that stolen position love? ", aniya na nagpa init sa pisngi ko kaya agad kong itinago ang mukha ko sa hawak kong mangkok.

           "H-hey is there's something wrong with what I said?", pagtatanong niya nang makita akong hindi pa tinatanggal ang nakaharang sa namumula kong pisngi.

           "N-nothing just go back on what you're doing", I said nervous, Shit my heart beat!

           "Okay, just enjoy the food", tugon ni Jack at ibinalik ang pansin sa kanyang ginagawa.

           Nang maramdaman kong nawawala na ang mainit sa pisngi ko ay tinanggal ko na ang mangkok at nagsimulang sumandok ng ulam.

          Nang matikman ko na ang luto niya ay napangiti ako sa sobrang sarap. Fvck marunong siyang magluto? Ang akala ko kasi ang mga mayayamang lalaki ay hindi interesado sa pagluluto.

          "Ang sarap", wika ko ng may halong ngiti sa labi.

          "Do you like it?" tanong niya ng hindi lumilingon sa akin.

          "Of course I like it, it's my favorite!", tugon ko na ikinalingon niya saakin.

          Nang tumingin ito saakin ay agad na natawa. Kumunot ang noo ko sa pagkakatawa niya. Ano na naman kayang nakakatawa!

          "B-bakit kaba tumatawa ha?!", pasigaw kong tanong na ikinatigil niya.

          Nagulat ako nang lumapit ito sa akin ngunit hindi ko ito pinahalata.

          "How cute?", pabulong niyang sabi ngunit narinig ko iyon dahil malapit lang ang mukha namin sa isa't isa.

           Mas lalo akong nagulat ng pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Hoooh buti nalang, akala ko naman hahalikan na naman niya ako! Medyo nandiri ako sa sariling naisip. Nakakahiya!

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now