Chapter 26: Favor

228 18 3
                                    

NAGPATULOY lng siya sa pagmamaneho. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa upuan ng mabalik ako sa huwisyo. Bunaling ako sa bintana at itinuon nalang ang pansin ko sa. Parang maliliit na fireflies ang mga ilaw na nadadaanan namin, napaakagandang tignan.

Galit pa rin kaya si Jack sakin? Palagi nalang kaming nag-aaway.

"Gutom kaba?", napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya ako. Hindi naba siya galit?

Hindi ako umimik. Tumitig lang ako sa kaniya. Ang seryoso ng mukha niya.

Nagulat ako nang bigla niyang hininto ang kotse.

"Ano ba, bakit hindi ka sumasagot?", kunot noo niyang tanong.

"Ano tititigan mo nalang ba ako?", dagdag pa niya.

Inalog ko ang ulo ko saka sumeryoso.

"Ah eh. H-hindi ka na ba galit sa akin?", kinakabahang tanong ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya ng dahil doon.

"Bakit ba ang slow mo?!", aniya.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan?", dagdag niya.

"Tatanungin ba kita kung alam ko na?", mataray kong tugon.

"Pshh", tugon niya saka ako inirapan.

"Hindi ako galit sayo", mahinahon na niyang pagpapaliwanag.

He let out a heavy sigh, "I apologize for what happened a while ago"

"Okay.", pagpapatigil ko sa kaniya.

"Sure ka kakain tayo?", tanong kong muli sa kaniya.

"Mmm", tumango siya.

"Kahit saang kainan", tugon pa niya.

"Sure ka kahit saan?!", napasigaw ako ng dahil doon.

"Pwede ring huwag na kung ayaw mo talaga", nanunuya niyang tugon.

Kinunutan ko siya ng noo dahil doon.

Tumawa siya. "Just kidding. Ano kain tayo?", pagbawi niya.

"Sige, treat mo ah", paninigurado ko.

"Sige sabi mo eh", ani Jack.

"Kaso gabi na. May alam ka bang kainan na malapit lang dito?", nakangusong tanong ko sa kaniya.

"Hmm, yes my alam ako malapit lng dito", nakangiting sagot niya.

"Tara na please gutom nako eh", hindi ko alam pero bigla ko nalang niyakap ang braso niya na parang nagmamakaawa dahil sa gutom. Hindi pa ako nagtatanghalin at pati din naman siya.

Napatingin si Jack sa braso niyang yakap yakap ko.

He smirk. "Mamaya mo na ako yakapin ng mahigpit", nanunuya niyang tugon.

Napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon. Assuming!

"H-huh? H-hindi naman kita niyakap ah?!", bitiw ko sa braso niya.

"Pfft. Tara na nga", natatawa niyang anyaya.

Pinaandar ba niya ulit ang kotse. Muli niyang itinuoon ang kaniyang pansin sa pagmamaneho.

"Do you like Ken?", natahimik ako sa itinanong niya sa akin.

Nang hindi ako makasagot ay tumawa siya pero halatang pilit iyon.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now