Chapter 18: Rain

297 16 0
                                    

Zoey's P.O.V

        Naliligo na ako at si Jack naman ay nasa kwarto ni kuya na nagpapatulong, sinabi na kasi namin kanina ang tungkol sa paglabas namin ngayon ni Jack.

         Nang matapos akong maligo ay isinuot ko na ang bathrobe at lumabas na ng bathroom. Nadatnan ko ang dressna susuotin ko, simple red dress lang ito. Sinabi ko na simple lang ang isusuot naming pareho. Yung tipong kahit simpleng dress lang at siya naman kahit nakapanglabas lang.

          Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako papabayaan.

          Nagbihis na ako dahil mag-isa lang naman ako ngayon dito sa kwarto kaya dito na ako mismo nagbihis at hindi sa bathroom.

           Natapos na ako sa pagbibihis naka suot ako ngayon ng red simple dress at flat sandals lang ako.

           *knock *knock

           Napatingin ako sa pinto. Baka kanina pa naghihintay sa akin si Jack. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

           Agad na bumungad sa akin si Jack. Nakasuot ito ng pantalon at naka polo na kulay itim.

           Naamoy ko na naman ang pamiliar niyang amoy.

           "Let's go miss beautiful?", aya niya saakin sabay kindat.

           Napatawa nalang ako za inasta niya.

           "I love seeing you laughing", he said seriously.

           Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mata at saka siya binigyan ng mabilis na halik sa labi saka ako naunang bumaba sa kaniya.

            Tumanaw uli ako sa kaniya at nakita ko ang kaniyang simpleng pagngisi. Sumunod na ito sa akin.

            Pagdating namin sa labas ay tumambad sa amin ang kotse niya.

           "Enjoy your day sweetie", wika ni Mommy kasama si Daddy. Si kuya naman ay maagang pumasok sa kompanya at si zienbil ay maaga ding pumasok ngayon.

           "Thanks Mommy", tugon ko.

           Pinagbuksan ako ng pinto ni Jack bago siya sumunod. Katulad ng lagi niyang ginagawa sa akin  ay siya na ang nagkabit ng seatbelt ko.

          "I will surely, this moment is the best memorable moment not just for me but for you too", bulong niya sa tainga ko. Pinaandar na niya slang sasakyan.

           Habang nasa loob kami ay kitang kita ang mga nadadaanan naming mga magagandang tanawin para niya akong ipinapasyal sa loob ng kotse.

          Agad na pumasok sa isipan ko kung saan kami pupunta. Dahil sa dinadaanan namin ngayon ito ang daan papunta sa isang...gubat?

          Madaming kahoy pero mas nakakaangat ang ganda ng tanawin.

         Ngunit bakit parang papunta kami sa direksyon ng gubat?

         "Sandali pupunta ba tayo sa gubat?", takang tanong ko.

         "Yes", wika niya sabay ngiti. Ang lalim ng dimple niya.

         "Huh? Pero bakit sa gubat akala ko ba date to?", nakangusong tanong ko.

         "At akala ko ba best memorable moment?", dagdag ko.

        "You'll see, If we're there", wika niya ng nakangiti.

       Bumaling nalang ako sa bintana at tiningnan ko nalang ang mga pambihirang tanawin. Ang gaganda...napangiti ako dahil sa mga tanawing nakikita ko ngayon.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now