Chapter 28: Umbrella

203 13 0
                                    

         Nasa mall ako ngayon upang bumili ng mga snacks na kakaini namin pagpunta namin sa paradise. Ipang araw nalang ay pupunta na kami. Ang bilis lumipas ng oras. 3 days nalang makikita ko na ulit si Jack at ang mga kaibigan ko...

        Pumunta ako sa isang convinience store na dito lng din sa Supreme Mall.

        "Good afternoon ma'am", bati sa akin ng mga cahera ng store.

        Pumunta ako kung saan naroroon ang mga snacks at soda. Kumuha ako ng basket at nagsimula na akong mamili ng mga snacks na kakainin namin.

        Habang namimili ng pagkain napansin ko ang isang lalake sa katabi ng pinagpipilihan ko ng mga pagkain. He looks familiar...

        Namimili siya ng alak. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na sa pamimili. Binalikan ko uli nang tingin ang pwesto ng lalake na pamilyar kanina pero sa pagkakataong ito ay wala na siya roon. Saan iyon nagpunta?

         Tapos na ako sa pagpili ng snacks namin. Nachos, at mga chichirya lang ang pinili ko. Sunod naman ay ang soda. Kaya nagpunta ako sa fridge para mamili.

          Kinuha ko ang isang can ng lemon soda na favorite soda ko at nag-iisa nalang ito pero nagulat ako ng may hunawak din dito. Umangat ang tingin ko sa kung sinuman ang nakahawak dito.

          Nagulat ako nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na hinahanap ko kanina. Ngumiti ito at sa tingin ko ay naaalala pa niya ako. Kaya sinuklian ko rin ng isang matamis na ngiti si...Bren...

          Bren Montefiore is my childhood best friend.

          "Long time no see, Zo", napangiti nalang ako sa kaniyang sinabi. Zo ang tawag niya sa akin. Nabitawan ko ang soda perk hawak niya ito.

          "You didn't change", dagdag niya.

          "Still your favorite soda, huh? And...you're still beautiful...", dugtong pa nito.

          "You too, you didn't change", I sarcastically said.

          "Hmm. Missed me?", he smirked. I didn't answer his question, I'm so surprised. Matapos nilang lumipat sa Canada wala na akong naging balita nun. He's the son of tita Brianne and tito Andy, they are one of the most popular, most famous and they are the third most rich here in Philippines.

          "Okay, I thought you missed me, but I'm wrong", he said then pout his lips.

          "N-no that's not true!", I shouted. Halos lamunin ako ng hiya nang magtinginan sa direksiyon namin ang mga tao sa loob ng convinience store.

          Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Bren. Kinunutan ko siya ng noo at agad naman itong tumikhim at tumigil sa pagtawa pero nakikita kong nagpipigil ito.

         "Still Insane...", he whispered in my ear.

         Napapikit ako ng marahan dahil sa inis. Argh hindi pa rin siya nagbabago he is still annoying!

         He smirk. He come closer to me. "For you...", he whispered. Ibinigay niya sa akin ang soda at bumulong na naman ito sa akin.

          "I need to go... See you later, Zo", aniya bago ako iniwan. That guy! Bwisit! Kakakita lang ulit namin tapos ganto pa mangyayari?

          Nagsibalikan na din ang mga tao sa convinience sa kung ano man ang ginagawa nila. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkuha ng mga soda.

          Pagkatapos kong makuha at ilagay ang lahat ng bibilhin ko sa basket ay pumila na ako sa counter at nagbayad na sa cahera.

                    --------¬🥀¬-------

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now