Chapter 48: Confirmed

83 2 0
                                    

"N-no, I-it's not what you think"

Nanlalabo na siya sa paningin ko dahil sa mga luhang humaharang sa mga mata ko.

"Love..." Akmang hahawakan niya ako nang humakbang ako paatras.

Napatingin siya sa mga paa kong humakbang palikod. Tila nagulat pa siya sa ginawa ko. Umiling-iling ako nang humakbang rin siya papunta sa akin. Tuloy-tuloy niyang ginawa 'yon kaya patuloy rin ako sa paghakbang palikod hanggang sa naisip kong tumakbo nalang paalis.

I want to be alone right now. Ang sikip sa dibdib. Gusto ko munang mapag-isa...

Tumakbo ako palabas ng kwarto habang umiiyak, nang marating ko ang hagdan pababa ay bigla akong nawalan ng balanse at nadulas, napatili ako sa bigla.

Naramdaman ko ang isang brasong humawak sa kamay ko at ang isa naman ay kinabig ang bewang ko.

"Hush, you're safe now" napalakas pa lalo ang iyak ko nang marinig ko ang boses niya at nang maramdaman ko ang labi niya sa aking noo at ang paghaplos nito sa aking tiyan. Napalaki ang mga mata ko.

What if I'm really pregnant at nadulas ako ng tuluyan? I don't think I can forgive myself if that happens. Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya habang umiiyak, napayuko nalang ako sa balilkat niya.

"Damn... Tinakot mo'ko" dagdag niya saka ako isiniksik sa kaniyang dibdib at hinahalikan ang aking sentido. Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghaplos-haplos sa aking buhok habang ang isang kamay niya ay naroon pa rin sa aking bewang na nakayakap.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Halo-halo, 'yon ang tanging pakiramdam na alam ko.

Galit, tampo, lungkot, at takot. Lahat ng iyon naghalo-halo.

Galit, dahil sa paglilihim niya sa akin. Tampo, dahil pakiramdam ko wala ako sa mga plano niya. Lungkot, sa ginawa niya para na rin niyang sinabi na wala siyang tiwala sa akin. At takot, takot na baka masaktan ko siya o kaya ay may masabi akong masama sa kaniya at takot na baka masaktan ko ang sarili ko sa mga ginagawa kong pagpapadalos-dalos.

"It's okay now, I'm here" pagpapatahan niya sa akin nang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"I love you..." he said as he kiss my temple. Napahigpit ang kapit ko sa kaniya.

"It's okay... I'll tell you everything when you're calm. Calm down now. I just don't want to stress you out" he added as he rub my back.

"Let's talk about it later, hmm?" malambing niyang tanong sa akin nang tumahan ako ng iyak saka niya ako iniharap sa kaniya at marahang pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Siguro nga... Dapat muna naming pag-usapan 'to. Pero kaya ko bang iproseso sa isipan ko ang mga bagay na pag-uusapan namin? Kaya ko bang tanggapin? Hindi ko alam... Pero wala namang mawawala sa akin kung pakikinggan ko muna siya, hindi ba? Ayokong may pagsishian ako sa huli.

Napangiti siya sa naging tugon ko. I suddenly close my eyes when he kiss my forehead down to my eyes, nose, cheek and lastly my lips. Nagtagal roon ang labi niya pero hindi siya gumalaw. Nagtatampo ako sa kaniya pero iba ang kinikilos ng katawan ko sa sinasabi ng isip ko.

"You need to rest. You've had enough today" worries were still visible in his voice and in his eyes.

Tumango nalang ulit ako sa sinabi niya.

-------¬🥀¬-------

Yakap-yakap na niya ako ngayon habang nakahiga kami sa kama. He's hugging me while caressing my hair but I am not hugging him back, nagtatampo parin ako sa kaniya... Pero aaminin ko, hindi ko siya maiwasang hindi amuyin, hinahanap-hanap ko ang amoy niya and I badly wanna hug him back but... Ugh.

"Akala ko ba we're going to talk about it? Why are you still not saying anything?"

I rolled my eyes in annoyance, saka ako tumalikod sa kaniya.

He chuckled.

"Pinaglilihian mo ba ako?"

Nanlalaki ang mga mata kong napaharap sa kaniya nang wala sa oras. Ngiting-ngiti ang loko sa akin nang makaharap ako sa kaniya. Agad kong hinampas ang dibdib niya.

"Awww, naglilihi ka nga" sabi niya na sinamahan pa niya ng pagtawa niya. 

Agad namang sumibol sa dbdibb ko ang kaba at takot, dahil posible ngang buntis ako... Pero bukod do'n may isa pang pakiraamda ngayon ang mas nangingibabaw.


I'm happy...

Seeing his reaction when he says naglilihi nga ako and hearing his chuckles because of it makes me happy... It just means, I'm not just the one who's thinking and expecting that I might get pregnant... And the way he said those words... He's not joking and he seems so happy.

"I-I'm not... P-pregnant" umiwas ako ng tingin nang sabihin ko 'yon sa kaniya.

I just heard his chuckles before I feel his fingers on my chin, pinaharap niya ako sa kaniya.

"I've been waiting for your menstruation..." my eyes grew wider and he smirk after seeing my reaction.


"You're two weeks delayed... Love" he said smiling from ear to ear.

Napalunok ako....

All this past weeks... He's been waiting. But still we didn't yet confirmed it.

"W-we didn't yet c-confirm it" nauutal ko pang pagdadahilan.

"Well... we don't have to confirm it" he said as if he was so sure about it.

"B-Bakit ba parang s-siguradong sigurado ka?" pang-aapila ko pa kahit na halatang-halata namang sigurado talaga siya sa mga sinasabi niya.

"Of course I am" he said proudly. Napalunok ako.

Bumangon ako at umupo sa kama.

Tumingin ako sa kaniya, nakahiga pa rin siya. Nakapatong ang ulo niya sa kamay niya habang nakatingin sakin. "At paano ka naman nakakasiguro?" hindi ko alam kung paano ko 'yon nasabi sa kaniya nang diretso.

Sinundan ko siya ng tingin nang bumangon siya at umupo rin sa tabi ko. Nagulat pa ako nang ilapit niya sa may tenga ko ang mukha niya. "I am sure, love... I didn' t pull out... And I didn't waste any, I made sure it was all in" nanlalaki ang mga mata ko habang namumula nang dahil sa ibinulong niya.

Lumayo na siya sa'kin matapos ibulong iyon, nakangisi siyang nakatingin sa akin.

"We'll go to an OB doctor, tomorrow. Just rest for now..."

"And we'll talk about our misunderstanding after you get your rest" he said as he lean closer and kiss my forehead.

Nasa ganoon siyang posisyon nang magsalita ulit ako. "I... I want to talk about it now... " tinitigan ko siya sa mata. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"You sure about it?" tumango ako sa kaniya.

He sigh and look down.

"Just... Just please... Promise me, don't be stress out"  tumango nalang din ako. I badly wanna know the truth, kung gaano ba 'yon kaimportante at bakit ganon nalang niya kung itago 'yon sa akin.

He sigh again, but this time it's sound like a relief one.

"Ask me anything and I will answer it honestly" he said. Umiling ako.

"No. I want you to tell everything to me. Everything, Jack"

He smiled, a sad smile with a glimpse of fear in it.

"My Dad has an illigetimate child, Zoey"

_________________________________________________

~[A/N]: hi! Long time no update!, here's two chapters pambawi. Anyways, two chapters more and we're ready for epilogue! Thank you for always waiting. I hope you enjoyed reading!!~

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now