Chapter 13: Dinner

292 15 0
                                    

Zoey's P.O.V

         Nasa kwarto na ngayon si Jane at kami naman ni Jack ay tumutulong sa mga maids na maghanda ng pagkain.

       Ayaw ng mga maids dito na tumulong kami sa kanila dahil daw baka marumihan ang mga damit namin dahil daw kakabihis lang namin para sa dinner at baka mapagalitan daw sila ni Jane.

        "Hey. Tulungan na kita diyan tapos naman na ako dito eh", pagpepresinta ni Jack nang matapos na siya sa pagtulong sa mga naglulutong maids sa kusina.

         "Hm sure", tugon ko tsaka siya tinanguan.

         Tinulungan ako ni Jack na maghanda ng plato, kubyertos, baso at tubig pati na rin wine para mamaya.

                  --------¬🥀¬-------

        Nang matapos na kami sa paghahanda ng mga gamit sa lamesa ay sakto namang bumaba si Jane galing sa kwarto.

       Napatingin kami ni Jack sa kaniya ng makababa siya.

       "Malapit na daw sina mommy", baling nito kay Jack.

       "Okay. Maiwan ko muna kayo may aayusin lang ako sa kwarto", tugon naman ni Jack sa kapatid.

      "Sige", wika ko tsaka siya nginitian.

       Nakipagbeso beso pa ito sa amin bago kami nilisan.

       "Tara muna sa sala?", aya ni Jane.

      "Sure, wala naman ng gagawin eh", sagot ko kay Jane.

      Naglakad na kami papunta sa sala.

       "Manood muna tayo ng TV? Iyon kasi ang madalas naming ginagawa ni Jack kaoag hinihintay sina Mommy",ay ngiting wika ni Jane. Bakas sa mga mata niya ang ruwa ng tumango ako.

        Pumunta siya sa mga lalagyanan ng mga CD ng mga movies. Pumili siya nang isa don.

      "Ayos lang ba kung itong Avengers EndGame nalang?", tanong sa akim ni Jane.

      "Hindi nga totoo? May EndGame kaung nabili?", gulat na tanong ko kay Jane.

      "Of course", wika ni Jane.

       "So ito na?", tanong na naman niya.

        "Sige yan na", may galak kong tugon kay Jane. Simula oagkabata ko kasi palagi na akong nanonood ng movies ng Avengers at ang pinakapaborito ko don ay si Iron man siyempre.

         "Mukhang hindi lang sa mga fashion styles ang mapagkakasunduan natin ah?", may ngiting wika ni Jane.

         "Mukhang pati dito ah", dagdag pa niya at sabay kaming tumawa.

          Kinuha na niya ang napili naming CD at inilagay sa DVD player.

         Nagsimula na akming manood habang hinihintay sina tito at tita.

         Hindi pa bumababa si Jack at nagtext na ulit si tita kay Jane natraffic daw at baka matagalan sila pero ayus lang naman sa akin ang maghintay kaya tinext namin sina tita na maghihintay nalang kami. Sayang naman diba nakapaghanda kami ng pagkain tapos mauuna lang pala kami at isa pa tumulong din si Jack sa pagluluto kaya medyo espesyal ang dinner na ito.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now