Chapter 20: Cousin

250 17 0
                                    

Zoey's P.O.V

        IDINILAT ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko, mabigat na pakiramdam at hindi ako makagalaw.

        Agad na bumungad sa akin ang dibdib ni Jack. Nakapikit parin ito at halatang mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Hayy. Binuhat na naman ako ng mokong.

        Napamulat ako ng mata nang maalala na bra lang ang tanging suot ko kagabi kaya napatingin ako sa katawan ko nakabalot pa rin ako sa twalya kaya napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako makakilos dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin kaya gumalaw ako.

        "Hmm. Don't move, love...", wika niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

        Natutulog ba to oh ano?

        "Am I dreaming?...", nakapikit pa ring wika niya.

        "Ahh nananaginip pala ah...", may pagbabantang sabi ko at aktong babangon na ako nang higpitan niya ang yakap sa akin.

        Napamulat ito ng mata at agad akong tinitigan. Tinaasan ko ito ng kilay.

        "I'm just kidding, Love", wika niya at hinalikan ako sa noo.

        "Good morning, love", pagbati niya.

         "Good morning...", tugon ko sa kaniya.

        "Get dress, magluluto lang ako", wika niya. Tumango ako bilang sagot.

         Tumayo ito at naglakad na palabas ng kwarto. Agad akong tumayo upang magbihis. May naalala ako na hindi ko naitanong kay Jack.

          "Asan ba ung mga damit",bulong ko sa sarili. Tinanggal ko ang towel na nagtatakip sa buo kong katawan, dahil tinanggal ko kagabi ang pang-itaas na damit ko at nakacycling short na lang ako ngayon dahil dress ang tinaggal ko kagabi.

         "Ayon nahanap ko din", banggit ko nang makita ko ang mga damit niya sa isang maliit na drawer.

         Tinanggal ko ang cycling short ko at nakaundies nalang ako ngayon. Uupo na sana ako upang kumuha ng damit sa drawer. Kinuha ko ang t-shirt niyang malaki saakin. Oversize.

         Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang maramdaman ko ang prsensya ni Jack sa likod ko. Nagmadali kong isinuot ang napili kong damit, natatakpan nito ang legs ko saka ko hinarap si Jack. Nakangisi ito.

         "Live nude huh...", he whispered.

         "Bastos!, Ano bang ginagawa mo dito huh?!, diba magluluto ka?!"

         "It's my house, Love. Sasabihin ko lang sana kung nasaan ang mga damit kaso...mukhang nahanap mona", natatawa niyang tugon.

         "Oh stop!", sigaw ko kaya humagalpak ito ng tawa. Grr nakakainis na siya!

         "Stop blushing, Love", What the fvck?!

         "Agh I'm done!", napuno na ako kaya aktong lalabas na ako sa silid niya ay nahigit niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya. Agh nawawalan ako ng hininga sa simpleng ginagawa niya lang!

         "I'm not yet done, Love", he whispered.

         "O-okay? W-what is it?", tanong ko sa kaniya nang nauutal.

         "Am I still courting you?", tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

         "It is a must, Jack", Sagot ko. Sa pagkakataong ito ay pinakawalan na niya ang braso ko. Tila nasaktan ako sa ginawa niya....bakit ngayon binibitawan mona ako kaagad?

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now