Chapter 39: Celebration

286 16 0
                                    

>>(A/N) : Sorry sa grammatical errors and typos. Enjoy reading!<<

Zoey's P.O.V

Dalawang araw na simula nung na discharge ako. Sinabi din niya sa akin na may regalo siya, at hindi ko naman akalain na isang bahay---mansion ang sinasabi niyang regalo. Kaya pagkalabas ko palang ng hospital ay dinala na niya ako dito. Hindi nako magtataka kung bakit napakalaki ng bahay dahil siya o kami lang naman ang titira dito, haizzt demanding kasi. Plano namin na I announced ngayon ang tungkol sa amin ni Jack.

We invited all of our friends. Hindi na namin inimbitahan ang iba dahil alam naman nila ang tungkol sa Arrange Marriage namin at hindi nila alam ang tungkol sa panliligaw ni Jack sakin. Sa basement ng bahay ang venue para hindi na kami gumastos pa ng malaki. May bar counter din naman kasi sa basement at malawak din naman sa basement kaya doon nalang.

In short It is just a simple celebration for my yes.

"Love....", nagulat ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko at isinandal nito ang ulo sa balikat ko. Nandito ako ngayon sa balconahe sa may 'kwarto daw namin kuno'.

Humarap ako sa kaniya na sana ay hindi ko nalang ginawa. Umalis siya sa pagkakapatong sa balikat ko at saka eksaktong humarap din sa akin. Kunti pagkakamali lang ay mahahalikan ko na siya. Ini-atras ko naman ang ulo ko dahilan upang mapangisi siya.

"H-hwag ka ngang nanggugulat!", inis kong sigaw sa kaniya saka bahagyang pinalo ang dibdib niya.

"Aray!", daing niya saka ako niyakap. Nagpumiglas naman ako pero hindi ako makawala dahil mas malakas siya sa akin.

"S-stop. Sorry" paglalambing nito pero hindi pa rin ako tumigil sa pagkalas ng mga kamay niyang nakayakap sa akin.

"Sige pag hindi ka tumigil hahalikan kita", pagbabanta nito. Kala mo naman makukuha niya ako sa banta niya.

"Ano ba bitawan moko sabi eh!", pagpupumiglas ko. Tsk manggugulat gulat kapa ha.

"Okay. Hindi mona ba ko mahal?", bigla ay tanong niya. Hindi mo ako makukuha sa ganiyanan!

"Bibitaw ka o bibitaw ka?"

"Tss.", aniya saka bigla na lang akong nagulat nang bigla nalang niya akong halikan pero hindi din iyon nagtagal kaya natigilan ako sa ginawa niya.

"Gusto mo lang ata ng halik ko eh"

Nabalik ako sa realidad nang magsalita siya.

"A-anong---!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan na naman ako nito pero smack lang. Napakurap-kurap ako bago nabalik sa realidad.

"Now tell me. Hindi mona ba ako mahal?", tanong nito.

Hahalikan na naman sana ako nito nang pigilan ko siya gamit ang hintuturong daliri ko. Na sana hindi ko na ginawa. Naramdaman ko ang labi niyang napakalambot kaya napalunok pa ako bago nagsalita.

"Nakakarami kana.",saad ko at saka inalis ang daliri ko sa labi niya.

"That's not the answer. The answer is yes or no only", seryoso niyang tugon.

"I love you.", wika ko na nagpangiti naman sa kaninang seryosong ekspresyon niya.

Hinalikan nito ang noo ko. "I love you too, wife", tugon nito.

"Are you ready? They are all in the basement. Tayo nalang ang hinihintay", tanong nito kaya ngiti akong napatango.

"Let's go?", pag-aaya nito saka nilahad ang kamay sa harapan ko.

Inabot ko iyon at saka niya pinagsaklop ang mga kamay namin. Nakangiti kaming naglakad papunta sa basement.

--------¬🥀¬-------

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now