Chapter 10: The Day

337 17 0
                                    

Zoey's P.O.V

        NAKAUWI na daw ang ate ni Jack galing London at gusto niya daw akong... kami ni Jack na makita. Tumawag kagabi ang ate niya kaya medyo nagmamadali kami ni Jack na mag empake ng mga gamit namin at upang maaga rin kaming makapunta sa bahay---mansion nila.

        Katatapos lang naming kumain ni Jack at magpapahinga muna daw saglit si Jack dahil siya muna ang maliligo pina una ko na siya dahil baka matagalan ako sa pagligo.

         Ilang minuto pa ang nakalipas at pumasok na rin si Jack sa CR wala itong dalang damit dahil baka sa kwarto siya magpapalit dahil may mga nakita akong mga damit niya na naka lapag dito.

         Hinintay ko itong makalabas ng CR. Lumabas siya ng nakatapis ang twalya sa bewang niya. Tumaas ang tingin ko hanggang maabot ng mga mata ko ang sa bandang abs niya. Fvck! 6 packs abs! Oh  wow pandesal! Zoey, kalma okay? Pangaral ko sa sarili.

         Ramdam ko na naman ang pag iinit ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at tumingin sa kaniya ng diretso. Ngunit ng tumingin ako sa kaniya ay nakita kong nakatitig ito sa akin at nakangisi kaya mas lalong namula ang mukha ko.

         "Want to touch it, love?", wika niya na mas lalong nagpapula sa mukha ko. Pakiramdam ko tuloy ay buong mukha ko na ang namumula s hiya.

          "A-ano bang sinasabi mo?", maang maangang tanong ko kay Jack.

          "Come on love, I know you want it", pagpupumilit niya.

          "U-umalis ka na nga diyan, maliligo na ako!", wika ko dahil nakaharang pa rin siya sa pintuan ng CR.

          Ngumisi siya ng nakakaloko at umalis na siya sa harap ng pintuan.

         Nang pihitin ko ang pasilyo ng pinto nang magsalita ito na siyang nagoahinto sa akin.

        "Can I go with you? Hindi pa ako nakakaligo ng maayos eh"

        "Jack Achilles Ruiz Skywalker!!!", pagbabanta ko dito. Ruiz ang middle name niya na nalaman ko kay kuya Ryle.

        "Just kidding, love", nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa likod at ibinulong ang mga salitang iyon.

        Pagkatapos niyon ay umalis na siya at pumunta ng kwarto upang magbihis. Mamaya na ako pipili ng isusuot dahil hindi naman ako ganoon ka excited na makita ang ate niya bagkus ay kinakabahan pa ako sa kaniya. I don't know what is her attitude. Paano kung sungitan niya ako? Argghh! Stop thinking about that Zoey, pangaral ko sa sarili.

          Pumasok na ako sa loob ng CR at isinabit ko na ang towel sa sabitan nito.

          Ramdam ko sa buong katawan ang lamig ng tubig na dumadausdos sa buo kong katawan. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina.

            "I'm not sure about my feelings for you!"

            "But there's something I am sure right now... that is I value you, Zoey."

            "Don't do that game on me again please, promise me, love?",

           "I-I won't, I promise, l-love"

           Nang maalala ko ang mga sinabi niya kanina ay naramdaman kong bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko ngayon. Lalong lalo na ang huling katagang nasambit ko. I'I don't know what to do now. Am I really falling in him?

            I came here because of our family company and... falling in love isn't part of my plan.

            I will avoid it...No matter what. But...how?

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now