Chapter 40: Drunk

253 13 0
                                    

Zoey's P.O.V

NAPARAMI na ata ang nainom ko dahil ramdam ko na ang pagkahilo at parang nasusuka na ako. Mahina pa naman ang tolerance ko. Lagot ako nito. Kung bakit ba naman kasi lagay ng lagay si Alice ng alak sa baso ko.

Ang tagal naman kasi nila Jack eh. O hsige manisi kapa zoey.

Mamaya baka pagalitan pa niya ako. Papagalitan ka talga nun!

Zoey bakit ka ba kasi naglasing! Pangaral ko sa sarili

Kung hanapin ko nalang kaya siya? Tama. Hanapin ko nalang siya, hindi naman siguro sila lumabas ng basement. Tumayo nako at inayos ang sarili. Medyo nahilo pa ako dahil sa biglaan kong pagtayo.

"Oh Zoey! Where are you goinggg!", sigaw ni Alice na mukang lasing na rin dahil magkatabi lang kami ay sisigawan pa ako.

Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na para hanapin si Jack.

Muntik pa akong madapa dahil sa paggewang gewang na lakad ko.

Nagpatuloy na ako sa paghahanap sa kaniya. Napansin ko rin na malayo na pala ako sa table namin nila Alice kanina. Hayy nako bahala na!

Napahawak ako sa braso ng lalaking nasa harapan ko nang muntik na akong matumba. Napansin din naman kaagad iyon ng lalaki na sa tingin ko ay empleyado nila Jack. Agad akong hinawakan sa magkabilang palapulsuhan ko at agad din ako nitong inalalayan sa pagtayo.

"Zoey?", tanong ng lalaking kaharap ko na nakahawak pa rin sa magkabilang pulsuhan ko. Tumingin ako dito at hindi ko siya kilala.

"A-ahh sorry hindi ko sinasadyang hawakan ka.", paghingi ko ng paumanhin dito.

"No it's okay. I'm Hark, Hark Andrada. I'm one of the employees of Skywalker Inc. And.... I like you.", nagulat ako sa huling sinabi nito.

Lasing na ako at medyo bumibigat na din ang pakiramdam ko.

"S-salamat.", iyon nalang ang nasabi ko. Tumalikod na ako pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Hinila ako pabalik nito kaya nasubsob ako sa dibdib nito. Napabalikwas ako ng may maramdamang mainit na hangin sa leeg ko. Lumayo ako sa kaniya nang mapagtanto kung ano ang ginawa niya.

Natawa ito dahil sa ginawa ko. Nakahawak pa rin ito sa pulsuhan ko. Humigpit oa iyon nang sinubukan kong kumawala sa hawak niya. Kaya napangiwi ako dahil sa sakit. "Hmm you smells good... and I like it." sabi niya sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakitang puro sila nagkakasoyahan. Bigla akong kinabahan sa kung anong pwede niyang gawin sa akin.

I heard him chuckled. "Don't try to disturb them. I put a bomb all over this place I can switch them on so don't you try to escape from me.", may diin nitong wika. Bigla akong natakot sa sinabi niya. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon.

Hinawakan nito ang batok ko at saka inilapit ako sa kaniya. Napapikit ako nang ilagay niya sa likod ng aking tenga ang buhok ko na nakaharang sa aking leeg mariin akong napapikit nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking leeg.

Hinalikan niya ang leeg ko at wala akong magawa dahil natatakot akong baka totoo ang sinasabi niya. Asan ka na Jack? Napakagat nalang ako sa aking labi upang pigilan ang luhang gusto ng lumabas sa aking mga mata.

Bumaba pa ang kaniyang halik pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya nasampal ko siya ng malakas at bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Napahinto rin ang mga taong malapit sa amin at nakiusyoso na din.

Napatingin sa akin ng masama ang lalaking hawak-hawak ngayon ang pisngi niya sinampal ko.

Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. Hinawakan ako nito ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Hinalikan niya ako ng pilit.... Napapikit nalang ako at doon na nag-uunahang magsibagsakan ang mga luha ko. Nang wala na akong maramdamang nakadikit sa aking labi ay nagmulat ako ng aking mga mata.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now