CHAPTER 3: WORK

436 20 4
                                    

Zoey's P.O.V
     
        Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pintuan. Tiningnan ko kaagad ang orasan at nakita ko na ilang minuto palang pala ako natutulog.

       Bumangon ako sa kama at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Bumungad sa akin si kuya na halatang antok na antok na.

       "Ihahatid ka na daw naming lahat, nalaman kasi ni Dad na bukas ang umpisa ng trabaho mo at ayaw niyang mapagod ka sa pagbalik balik mo dito kaya ngayon ka na lang daw namin ihahatid sa condo na iniatas sa inyo", sabi ni kuya.

       "Sige po kuya", sagot ko dahil ayo ko ng pababain pa ang usapan dahil wala naman akong magagawa.

       "Nasaan na yung mga gamit mo?" tanong ni kuya.

       Itinuro ko sa kaniya kung nasaan ang mga gamit ko at saka niya binuhat ang mga iyon. Ngunit hindi niya kakayanin ang dami no'n kaya tinawag niya si Dad uoang tulungan siya sa pagbubuhat.

       "Daddy madami po yung gamit ni Zoey!" sigaw ni kuya.

        "Oo andiyan na ako nak!", sagot naman ni Dad.

        "Oh bumaba kana, pumunta kana kina Mommy sa loob ng kotse", ani kuya.

         "Opo, kuya ingatan mo yan ah", pagpaalala ko kay kuya saka umalis at lumabas na.

         Nang makalabas ako nang bahay ay agad akong lumoob sa kotse kung nasaan sina Mommy. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang natutulog na si Zienbil at si Mommy.

        Umupo ako sa tabi ni Zienbil na natutulog. Naramdaman yata ni Zienbil na may umupo sa tabi niya kaya nagising ito at tumingin sa akin. Tiningnan ko rin siya pabalik nakita ko ang pumupungay na niyang mga mata at halatang antok na antok na rin.

         Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit wala akong nagawa kundi ang yakapin din siya pabalik.

        "Ate balik ka agad ah..." sabi ni Zienbil na ikinangiti ko. Magbibirthday na next week pero isip bata pa rin, sa isip isip ko.

        "It's okay honey", iyan lang ang lumabas sa bibig ko.

        Ipang minuto pa ay bumaba na sina Daddy at kuya. Pagkalagay nila ng mga gamit ko sa likod ng kotse ay pumasok na sila. Umupo si Dad sa driver seat at sa tabi naman niya si kuya. Pinaandar na ni Dad ang sasakyan at ilang minuto pa ang lumipas ay naantok ako at nakatulog.

                      --------¬🥀¬-------

        Nagising ako ng huminto ang kotse na sinsakyan namin. Nasa harap na pala kami ng condominium na titirhan ko pansamantala.

        Isa isangbinuhat nina kuya at Dad ang mga gamit ko papunta sa kwarto na ini assign sa akin. Bumaba na rin kami nila Mommy at Zienbil at  sumunid na kami kila Daddy. Pagkapasok namin nila Mommy at Zienbil sa kwarto ay naiayos na rin nila Daddy ang mga gamit ko.

       Pagkatapos nilang iayos lahat ng gamit ko ay nagpaalam na rin sila sa akin.

      "Oh mag iingat ka diyan ahh", paalala ni Daddy.

      "Lagi kang kumain sa tamang oras", sabi naman ni Mommy.

      "Sabihin mo lang kung may problema tawagan mo ko baby girl", ani kuya.

      "Ate dalaw ka pa din sa bahay ahh", pagsabat naman ni Zienbil.

       "Opo, tsaka protected naman po tong building eh, mag iingat po ako kayo din po", tugon ko na may kasamang ngiti. Niyakap ko sila at sinuklian nila iyon ng mahigpit na yakap.

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now