Chapter 37: Real Reason

239 14 1
                                    

Jack's P.O.V

NAPATINGIN sa akin si Ken ganon din si Zoey.

"J-ack... Jack m-mali ang i-iniisip mo." ani Zoey.

Akmang lalapitan na niya ako nang tumalikod ako at naglakad na palayo, paalis sa lugar na iyon.

This is the second time that I've broke by someone. But this time iba... kasi mula kay Zoey mismo ang sakit.

God knows how I love that woman. I love her more than anything.... More than myself

Nang dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa madilim na bahagi na pala ako ng resort. Nasa gubat na ako.

Hindi ko alam pero bigla nalang may mainit na likidong dumaloy mula sa mata ko pababa sa aking pisngi kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan ngunit wala itong kasamang kulob at kidlat.

Tila pati ang mga ulap ay nakikisabay na rin sa aking nararamdaman.

Lungkot at inis. Ngunit wala akong galit na nararamdaman sa aking dibdib. Marahil ay dahil iyon sa aking pagmamahal para sa babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Hindi ko alam na iiyak ako nang dahil sa babae. Ni hindi ko iniyakan si Liziel pero... pero si Zoey, ang babaeng iyon. Walang kahirap hirap niya akong pina-iyak. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata ngunit hindi ko kaya. Para akong naging isang malambot na babae nang dahil sa pag-iyak ko.

"Arrghh!!!", hindi ko na napigilan ang mapasigaw sa gitna ng malakas na ulan.

Napaupo ako sa damuhan at napahagulgol na parang bata.

--------¬🥀¬-------

Zoey's P.O.V

Biglang kumalas ng yakap sa akin si Ken naguguluhan man ay kumalas din ako at tinignan siya ng nagtataka. Pero diretso lang ang tingin nito sa likod ko kaya napukaw don ang atensyon ko.

Nagulat ako nang makita si Jack na nakakuyom ang kamao at nag-iigting na ang mga panga nito. Tumingin ako ng diretso sa kaniyang mga mata agad kumalabog ang dibdib ko nang makita ko doon ang galit. Shit! Is he misunderstood what he saw? N-no... Not again please....

"J-jack... Jack m-mali ang i-iniisip mo." agad kong sabi sa kaniya ngunit mas lalo pa ata itong nagalit

Akmang lalapitan ko na siya at hahawakan sana sa kamay nang bigla nalang itong tumalikod at naglakad na palayo sa amin.

Hahabulin ko na sana siya nang magsalita si Ken mula sa likod ko.

"I-I'm s-sorry, Zoey", ani Ken.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti upang ipakitang hindi niya kasalanan iyon.

"It's not your fault, Ken", tugon ko sa kaniya.

"I-it's all a misunderstanding situation...", bulong ko sapat na para marinig niya.

"Sasamahan kita sa paghahanap---", I cut him off.

"H-hwag na---", bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay nagsalita na naman ito.

"Don't worry I'll explain it to him", nakangiting ani Ken. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

--------¬🥀¬-------

Nang magsimula na kaming maglakad ay may bigla akong naapakang matigas na bagay. Pagkatingin ko sa damuhan, nakita ko ang phone ni Jack na naka-on pa ang flashlight nito. Agad ko iyong pinulot at nagsimula na kaming maghanap ni Ken.

Napatingala ako nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. I remember what ate Jane said...

"He didn't tell you the real and the last one reason why he love the rain..."

Arrange Marriage With My Boss (On Going) Where stories live. Discover now