FIVE

3.7K 59 5
                                    

Maganda ang naging takbo ng relasyon namin dalawa. Kahit wala pa kami level sa isa't isa parang kami narin siguro. Mas nakilala namin ang isa 't isa sa oras na magkasama kaming dalawa .

" Are you done.? " Tanong ko sa aking kaibigan ng matapos ako sa aking ginagawa.

" Oo tapos na, Okey lang ba talaga. " Sagot niya pero hindi ko siya nililingon.

" Oo naman, Hindi ka na iba kay Lein. " Pagaaya ko sa kanya, kaya tumayo na siya para makaalis.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung magkamabutihan kaming dalawa kasabay ang pagbalik ng kaibigan ko. Lagi siya sumasabay sa akin paguwi, hinahatid kami ni Lein, minsan nagkakasabay kami sa pagpasok dahil hatid sundo ako ni Lein sa araw-araw, kaya medyo nahihiya na ako sa ginagawa niya para sa akin.

" Uwi na kami, Felizia, Glaize. " Paalam sa amin ng grupo nila Trixia. Tumango lang ang kaibigan ko sa kanila habamg ako.

" Ingat kayo, Salamat. " Sabi ko habang papalabas na rin. Naging komportable ako sa grupo nila Trixia dahil pinapayuhan nila ako tungkol sa pagpasok sa relasyon.

Dahil marami sila experience at kilala naman nila si Lein. Pinapaalalalahan nila ako tungkol kay Lein pero mas nagtitiwala ako kay Lein. Naglalakad na kami palabas ng gate ng biglang magsalita ang kaibigan ko.

" May nabalitaan ako tungkol kay Lein. " Bulalas ng kaibigan ko kaya napalingon ako sa kanya.

" Ano iyon.?" Mahinahong tanong ko..

" Meron daw kaflirt na ibang babae." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglakad.

Sa lumipas na tatlong buwan magkakilala kami. Simula ng magbago ang nararamdmaman ko sa kanya. Hindi na ako naniniwala sa sinasabi ng tao sa paligid ko tungkol sa kanya. Mas gugustuhin ko makita ang pagkakamali niya kesa maniwala sa sinasabi ng iba. Sumugal ako dahil mahal ko siya. Sino ba naman hindi mababaliw sa kanya kung nasa kanya na ang lahat. Malay ko kung sinisiraan lang siya sa akin.

Nang matanaw ang pamilyar na kotse na pinalilibutan ng mga babae kasabay ng paghagip ng paningin ko sa kabuuan ng mukha niya. Ganon nalang kabilis tumibok ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na nandito na kami dalawa.

" Pasensya na natagalan kami." Sabi ko ng makalapit kami sa kanya. Dining ko ang usapan ng mga babae sa paligid ko pero nasanay na ako dahil sa kanya..

" Okey lang.  " Sagot niya.

" Hi gumaganda ka. " Biglang singit ni Mich, kaya medyo nahiya ako. Naging malapit sa akin ang mga kaibigan ni Lein. Lalo na si Mich dahil lagi namin siya kasama lalo na kabiruan ko ito minsan. Si Mijo ay madalas lang namin nakakasama dahil iba ang kurso kinuwa niya. Ayoko na rin pagusap siya dahil baka kung ano masabi ko.

" Hey.. " Saway ni Lein sa kaibigan. Binigay niya ito ng nagbabantang paningin dahilan para matawa ang kaibigan niya sa ginawa niya.

" Ikaw naman, Bakit namumula ka." Baling niya sa akin sabay pulupot ng kanyang kamay sa bewang ko. Nakaramdam ako ng init sa katawan ko dahil sa ginawa niya. Naging kumportable kami sa sa isa't isa. Wala araw na hindi niya ako pinapakilig kaya dapat masanay na ako sa kanya.

" Napakaseloso mo, Bro. " Bungisngis ni Mich.

" Hindi pa nga tayo, Ganyan kana." Sabi ko, kaya namilog ang mata niya dahil siguro sa gulat.

" Ano hindi tayo, Tayo na at akin ka. " Seryosong sabi niya kaya tumango nalang ako dahil nababakasan ng inis ang tono ng pananalita niya.

" Hindi pa tayo aalis." Biglaan bulalas ng kaibigan ko.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon