Hindi ko maiwasan itanong sa sarili ko. Kung bakit ko nasabi ito sa kanya dahil para sa akin masakit ang salitang binitawan ko mismo sa harapan niya pero ayokong masira o maiudlot niya ang nasimulan niyang paglimot sa akin, kaya mabuti na ang ginawa kong ngayon para sa ikabubuti niya.
Nilalakbay ko ang daan pabalik sa aking kwarto. Biglang tumunong ang aking cellphone at makita kung sino ito. Agad ko itong pinindot. Pinawi ng aking palad ang luhang lumandas sa aking pisngi, kasabay ng paghinga ng malalim para hindi mahalata na kakagaling ko lang sa pagiyak.
" Hello. " Pabungad ko sa kabilang linya.
" I need a passport, kailangan ko iyon dahil hahanapin ito sa akin. " Bungad niya sa kabilang linya.
Matagal ako napaisip sa sinabi niya at wala nasabi kundi ang tanga ko pala. Wala rin kasi akong alam tungkol dito, nung pumunta ako sa amerika naligaw ako dahil sa passport ko pero nung bumalik ako dito. Hindi ako nahirapan dahil si Vladimir ang lahat ng nagayos nito para sa akin.
" Hindi ako nakabook ng flight.?" Tanong ko.
Hindi ko alam kung nasaan ko na inilagay ang passport ko dahil mataggal na simula nung hindi ko maisipan bumalik sa state dahil sa huling hiling niya para sa akin manatili dito.
" Magkita tayo, para " Hindi ko siya pinagtapos sa sinasabi niya.
" Mark, marami salamat, ako nalang ang sasadya doon. " Yun lang ang nasabi ko.
" Hindi, ako na " Pagmamatigas niya ngunit pinutol ko ulit ito.
" Ako na dito, tatawagan nalang kita kapag nakabook na ako ng flight. "
Narining ko ang iritasyon niya sa kabilang linya dahil hindi siya sangayon sa gusto ko magyari pero napilit ko siya, kaya pumayag rin. Nakakahiya sa kanya kung kukunin ko ang oras niya ngayon dahil malaki na ang naitutulog niya sa akin.
Napagusapan kasi namin ang estato ng buhay ko ngayon. Alam niya ang tungkol dito sa namamagitan sa amin ni Lein ay alam niya, kaya alam niya ang lahat kung bakit ako nandito ngayon sa mansyon ng mga Alfaro. Pinipilit niya ako umalis dito at maghanap ng trabaho para sa sarili kong buhay. Gusto ko ang plano niya pero nangako ako kay Vladimir na mananatili dito pero nung malaman kong wala na siya. Hindi na ako sigurado ngayon kung kaya kong manatili dito sa mansyon para maghintay sa taong hindi na babalik.
" Tawagan mo ako kapag nakabook kana ng flight mo. "
" Tatawagan kita kapag nakabook na ako, Salamat Mark." Sabi ko at sabay putol ng linya.
Kailangan ko hanapin ang passport ko dahil hindi ko alam kung nasaan ko ito nailagay dahil sa mga nagyari nawala iyon sa isipan ko. Pumunta ako sa cabinet, at hinalukay ko ang loob nito pero wala ako nahanap. Bumaling ako sa lamesa at sa maliliit na lalagyanan sa loob ng kwarto baka naisuot ko o nailagay ko lang kung saan pero wala.
Bumaling ako sa aking maletang itim na dala ko dito nung bumalik aki. May mga nakalagaya na dito gamit ko noon. Ilan buwan ko na hindi inaalis ang nailagaya kong mga gamit dito dahil nawala sa isipan ko.
Nailagay ko ang mga ito noong unang alis dito ni Vladimir dahil nagbalak akong sundan siya ngunit kinabukasan ng magyari iyon ay nakakandado na ang pinto ng kwarto ko dahil kay lein. Isang araw lang niya ito kinandado, at nagmakalabas na ako nawala na sa isipan ko ang planong bumalik sa state. Nanatili ako sa mansyon dahil ito ang hiniling niya sa akin na sinunod ko.
Hindi ko maiwasan balikan yung panahon ito. Nagkamabutihan muli ang loob namin ni Lein ng mga panahon ito. Kahit alam ko may relasyon ako, pinili kong magkaroon ng pisikalan sa amin dalawa na masasabi kong mali dahilan isa ito pagtataksil. Naisuko ko ulit ang pagkababae ko ng panahong iyon sa kanya ng maraming beses, ngunit nabago ang desisyon ko ng bumalik siya, at makita kung ano ang kalagayan niya sa oras na iyon.
BINABASA MO ANG
STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETED
RomanceALFARO SERIES #1 Some girls are always fighting alone to maintain their relationship but this is different from the story because the man loved too much. Meet the guy name Kenz Lein Alfaro. A master playboy, who thinks that he can get everything th...