Hindi ako pinatulog ng gabi iyon dahil sa gumugulo sa isipan ko mula sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isipan ko ang huling linyang binitawan niya sa akin nung gabi iyon dahil hanggang ngayon malaking tanong kung bakit niya sinabi iyon sa akin.I can't imagine my future without you, You are my everything Glaize, that why I'll follow you until you love me again, I will wait, I promise, please wait for me too. "
I can't imagine my future without you, You are my everything Glaize, that why I'll follow you until you love me again, I will wait, I promise, please wait for me too. "
I can't imagine my future without you, You are my everything Glaize, that why I'll follow you until you love me again, I will wait, I promise, please wait for me too. "
Nagpaulit-ulit ang huling linya binitawan niya sa pandingin ko hanggang sa ngayon. Hindi ko maiwasan mapaisip sa sinabi niya sa akin, kung hindi ako tulong masasabi niya kaya ito, at kung hindi niya pala maisip ang kinabukasan niya ng wala ako sa tabi niya. Bakit naghanap siya ng iba, kung ako ang lahat para sayo. Bakit sinabi niyang pagod na siya para sa akin at sumusuko na siya sa pagmamahal niya sa akin. Kung susundin niya ako sa lahat ng bagay para mahalin ulit siya. Lalo lang siyang masasaktan dahil hindi siya ang pinilipili ko, at kung tutuusin hindi ako nararapat sa pagmamahal niya. Wala ako karapatan kwensyunin siya tungkol dito pero bakit pinagulo niya ang isipan ko ngayon.
Kinabukasan. Matamlay ako bumangon sa aking hinihigaan. Nakita ko ang mataas na sikat ng araw sa labas, kaya nagayos ako at nagbihis pagkatapos ay bumaba. Hindi ko alam kung bakit naghihina ang buong katawan ko sa pagising ngayon araw na ito. Siguro dahil sa mga binitawan niyang salita sa akin na nagpapagulo sa aking isipan hanggang ngayon. Hinihiling ko nalang na sana tulong nalang ako para hindi ko narining iyon galing sa kanya.
Hindi ko alam kung nahalata niya akong gising pero alam kong hindi ako gumalaw para hindi niya mahalatang naririning ko ang sinasabi niya para sa akin. Lahat kaya iyon totoo? Hindi ko kailangan kwestyunen dahil umiiyak siya habang sinasabi niya iyon pero paano kung hindi totoo iyonn? Paano kung nakita ko siya umiiyak mapapadala ako sa kanya. Hindi na pwedeng magbago ang naging desisyon ko, kung totoo man yung mga sinabi niya.
Mabilis akong nakababa at pumasok sa kusina. Bumungad saya sa akin habang naghaharutan sila. Bigla akong nabuhayan dahil sa galit ng makita sila masaya at naghaharutan sa harap ng hapag. Napatigil sila sa ginagawa at napabaling sa akin ng maramdaman nila ang presensya ko. Ang nakangiti si Felizia ay naging iritasyon ang bumabalot sa mukha niya ng magtama ang paningin namin pero nandito ang ingit habang siya ay hindi ko alam kung ano ang ipinapakita niya sa akin ngayon dahil hindi ko iyon maipinta.
Palihim ako huminga ng malalim. Tinaasan ko nalang sila ng kilay at nagsawalang bahala sa presensya nila.Umupo ako sa harap niya na hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon nila dahil sa ginawa ko pero alam kong nasa akin ang paningin nila. Bakit mo sinabi ang ganon salita kagabi. Akala ko totoo na iyon sa bagay baka pinaglalaruan lang niya ako. Nalimutan na niya ang dating kami, at malay ko kung totoong umiiyak siya nung oras na iyon. Siguro akting lang niya iyon, tulad ng nobya niya ngayon. Alam niya nung oras na pumasok siya sa kwarto ay gising ako, kaya nasabi niya ang linyang binitawan niya para guluhin lang ang isipan ko ngayon, kaya ganon ang nagyari.
Wag mo ako maliitin kaya kong makipaglaro sa inyo dalawa, kung lahat ito ay planado o gusto niya lang talaga maghiganti sa akin, para maging masaya siya. Hindi ko alam kung pagbibigyan siya o hindi pero para saan ang paghihiganti kung ito ang nais niya sa akin, dahil sa hindi pagpili sa kanya, at ipagmukha sa aking hindi ako kawalan. Inalis ko sa isipan ang mga tanong na gumugulo sa akin.
Naglagay ako sa aking pinggan ng aking makakai habang hindi sila binabalingan kung baga nasa pagkain lang ang paningin ko. Tahimik kami habang kumakain, hindi ko alam kung masisiyahan ako sa pagiging tahimik nilang dalawang sa harapan ko, kaya naman bilang bida sa kwento ito, eeksena ako. Humugot ako ng lakas ng loob para gumawa ng eksena ngayon umaga sa harapan nila.
BINABASA MO ANG
STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETED
RomanceALFARO SERIES #1 Some girls are always fighting alone to maintain their relationship but this is different from the story because the man loved too much. Meet the guy name Kenz Lein Alfaro. A master playboy, who thinks that he can get everything th...