TWENTY

2.3K 43 10
                                    

Kinabukasan. Nagising ako sa isang nakakalungkot na pananginip kaya ako napabangon sa aking hinihigaan. Pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi dahil sa isang malungkot na pananginip. Agad ako napabaling sa pwesto ni Vladimir sa dulo ng aking kama kung saan ko siyang huli nakita bago ako makatulog. Wala siya dito, kaya agad akong napabango sa aking hinihigaan at  dumungaw sa labas at bumungad sa akin ang papalitaw na araw. Madaling araw na, at malapit ng sumikat ang araw, agad ako nagtungo sa pintuan para makalabas.

Nakaalis na siya ng hindi man lang sa akim nakapagpaalam. Anong oras sila umalis, at bakit hindi niya ako ginising para magpaalam o wala talaga siyang balak gisingin ako, kaya hiniling niya matulong ako dahil nais niya umalis kapag tulog, para hindi makita ang pagalis niya palayo sa akin.

Mabilis akong nakalapit sa pintuan kasabay nito ang hindi ito mabuksan. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha sa aking pisngi sa hindi ko alam na kadahilan, kung bakit ako naiiyak pero ang sama ng pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako nung gumising ako dahil sa isang malungkot na panaginip pero pakiramdam ko may magyayaring hindi maganda tulad ng pananginip ko. Kinatok ko ang pintuan pero hindi ako makasigaw dahil sa pagkawal ng boses dahil rin sa pagiyak  kagabi ng madatnan ko ang sitwasyon niya.

" Hey, Open the door, May tao ba dyan, pagbuksan niyo ako. " Ilang beses kong sinabi ang linyang ito.

Kahit wala na akong boses pero wala ako naririning na yapak papalapit sa gawi ko.

It's time to let you go. When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far and no one can ever tear them apart but him and I are both of the same path or not. Whether he alive or dead, life is always about parting you and have to say goodbye to meet again..

Matagal bago bumukas ang pintuan. Hindi ko alam kung bakit naghihina ang katawan ko ngayon. Nagmaramdaman  ang pagbukas ng pinto ay kasabay ang paglalabo ng aking paningin at hindi ko na siya makita dahil sa panlalabo ng aking ang mata kasabay ng biglaan kong pagkawala ng malay.

" Glaize. " Narining ko ang pagsigaw nito bago ko maipikit ang mata ko.

Hindi ko alam kung bakit naghihina ako ng husto, kahit sa simpleng bagay lang ay parang hindi ko ito kaya gawin dahil sa paghihina nararamdaman ng aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nagyari sa akin. Nagising nalang ako sa isang marahan na paghaplos na naramdaman ko sa aking pisngi. Dahan-dahan ko inumulat ang aking mata at bumungad sa akin ang matamlay at pagod na mukha niya ng magtama ang amin paningin.

" Are you okey.? " Pabungad na tanong niya habang hinahaplos ang aking pisngi.

Ang taglay niyang imahe ay nakakaakit at nakakapagbigay ng sigla ngunit hindi ko alam kung bakit naiiyak ako ngayon dahil sa nakikita ko sa kabuuan niya. Ang taong mahal ko at nagpapasaya sa akin ay nagawa kong sakit muli sa pangalawang pagkakataon.

" May masakit ba sabihin mo sa akin, anong masakit.? " Nagaalalang tanong niya pero nandito ang sakit na nararamdaman niya.

Pinipiga ang puso ko dahil sa tono ng pananalita niya at sumisikip ang dibdib ko dahil dumadagdag ang sakit na nararamdaman ko ng dahil sa kanya. Ang sakit dahil hindi ko siya napili sa pangalawang pagkakataon para piliin siya. Nasaktan ko ang taong mahal ko dahil sa maling panahon dahil sa hindi pagpili sa kanya muli pero iniisip ko lang ang kapakanan at kalagayan ni Vladimir sa oras na ito. Kung masabi ko sa kanya, madaragdagan ang sakit na pasanin niya sa mga oras ngayon.

Namalayan ko nalang na magkahawak ang kamay namin ng maramdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya dito. Ang init na dala ng palad niya na mahigpit ang pagkahawak mula sa kamay ko ay nagdadala ng init sa akin ngunit hindi maibsan ang sakit na nararamdam ko ngayon.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon