NINETEEN

2.3K 45 12
                                    

Pinagmamasdan ko siya habang hindi makapaniwala sa nakikita mula sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas habang pinagmamasdan ang matamlay niyang imahe habang nakaupo sa kanyang sariling wheelchair sa aking harapan. Hindi ko makita ang istura niya dahil sa mga luhang bumabara sa aking mata. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ganito ang kalagayan niya ngayon sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bumagsak ng ganito kabilis ang pangangatawan niya. Ang matipunong niyang pangangatawan, hindi ko na nakikita sa kanya.

" What happened to him.? " Nauutal na tanong ko habang umiiyak sa harapan niya habang siya ay direksyo lang nakatingin sa aking kamay na hawak niya.

Napaisip ako habang nagsasaya ako sa piling ng pamangkin niya noon habang siya ay ganito ang pinagdadaanan sa buhay, para pinipiga ang puso ko dahil sa kunsensya nararamdaman ko ngayon. Nawawasak amg puso ko habang pinagmamasdan siya ngayon sa harapan ko. Ang Vladimir na minsan ko minahal ay mahina sa harapan ko.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko habang siya ay nananatiling hawak ang isang kamay ko habang hinahaplos ng kanyang matatamlay na kamay ito. Dinudurong ang puso ko habang pinagmamasdan siya ginagawa iyon sa aking harapan.

" What happen to you.? " Tanong ko habang hinuhuli ang paningin niya pero iniiwas niya ito.

Nanlumo ako dahil sa pagiwas ng paningin niya mula sakin. Iniiwasan niyang magtagpo ang aming paningin dahil makikita kong nahihirapan siya ngayon sa harap ko.

" Hija." Barang na boses ang iginawad niya sa akin. " We are going back to America soon as possible because he will have surgery soon." Hindi ko na maintindihan ang sinabi niya dahil sa pagpiyok nito.

Napabaling ako sa kanya. Nakita ko tulad ko ang paglandas ng luha niya sa kanyang pisngi. Matagal ako bago naproseso ang sinabi niya, babalik ulit sila? Bakit pumunta at bumalik sila dito? Bakit babalik siya sa amerika kung kakagaling lang niya doon? Lalo mapapagod ang katawan niya sa pagbiyahe, at kung gusto niya, ako makasama sa amerika, dapat sinabihan nalang nila sa akin ang kalagay niya para makabiyahe ako papuntang amerika. Hindi na siya bumalik dito para lang ipakita sa akin ang kalagayan niya dahil ako na ang pupunta kapag ininform nila ako tungkol dito dahil mahihirapan lang siya byumahe kung pabalik-balik siya dito, kung alam ko lang ang ganito sitwasyon niya ngayon, kung alam ko lang sana ang lahat.

" Per bakit? Lakagaling niya lang don diba, bakit kailangan niya bumalik.? " Hindi ko na kilala ang boses ko dahil sa pagbarang na tono nito.

Umiiling-iling siya sa akin.

" Hija, nagsinungaling siya sayo na pumunta siya sa amerika, when he left here a month ago, He did not return to america, he remained here months ago to confined in the hospital. " Aniya. 

" Nalaman namin ang sakit niya nung dumating kayo dito dahil nasabi sa akin ni Lein,  I asked him about this, Why do you go here, if he can only recover in america but his replied that he just wanted to bring home the girl he's loved here, Hindi mo  alam ang kundisyon na meron siya ngayon dahil hindi niya ipinaalam ito mula sayo dahil tinago niya ito isang taon na ang nakalipas dahil ayaw niyang magaalala ka sa kanya, He wants you to come back here because he wants to leave you with us, he doesn't want to see you alone in your life in state that's the reason why you come here, he have a sick, kaya iniisip niya maiiwan kanya magisa.." Maiiyak na dugtong niya.


Napalunok kasabay ng pagpikit ng mata ko ng wala sa oras dahil sa mga narining, kung kaya iyon tanggapin ng kunsensya ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya habang prinoproseso ang bawat linya nito. Isang taon pero bakit hindi ko alam ang bagay na ito.

Napahawak ako sa dibdib ko pagkatapos marining ang salita binitawan ni tita Leigh sa akin harapan. Nahihirapan akong huminga ngayon dahil dito. Hinigpitan ko pagkahawak niya sa kamay ko, ganito rin ang ginawa niya sa akin. Mahigpit ang isang kamay kong nakahawak sa kanya, yung tipong ayoko ng bitawan ang kamay niya para hindi siya mabitawan.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon