THIRTY TWO

2.1K 49 37
                                    

Hindi ko maiwasan makaramdam ng kakaiba dahil sa pagiisip tungkol sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko sa buong araw at ang pagduduwa ay napapadalas. Inubos ko ang oras ko kakahanap at kakabasa ng mga article tungkol sa pagbubuntis para may alam ako kung tatanungin man ako ng doktor bukas para dito.

Mabilis ako napapagod hindi ko namalayan na nakatulog na ako, at  nagising nalang ako sa isang marahan na haplos sa aking pisngi. Agad akong napadilat, kahit malabo kilala ko ang kamay na ito dahil sa mainit na presensya niya dala sa akin, bigla niya ako hinalikan sa noo ng makita dumudilat ako.

" Nakapagpahinga ka ng maayos.? " Tanong niya habang inaayos ang sarili para makaupo sa kama.

Madilim na ang labas, siguro napatagal ang tulog ko dahil sa pagod dahil sa nararamdaman. Tumango ako sa kanya habang hinahaplos niya ang aking buhok gamit ang kanyang kamay habang nandito ang buong atensyon.

" Mommy said she goes up here to bring your food but you sleep, so she don't wake you up. " He said calmly.

Nakatulog ako dahil sa pagod ng katawan na nararamdaman ko. Basta mabilis akong mapagod kahit wala akong ginagawa, kaya  lumalakas lalo ang hinala kong buntis ako.

" I was so tired that I fell asleep. " Sagot ko sa kanya dahilan para mapahinto siya sa paghaplos at direksyo ako tinitigan.

Maalalahanin siya pagdating sa akin at ayaw niya ng hindi ako nagsasabi ng totoo sa kanya, lalo na kung alam niya hindi ako nagsasabi ng totoo. Minsan kaya naiisip niyang buntis ako dahil sa pagiiba ng mode ko noon.

Nais ko sanang sabihin sa kanya ang hinala ko ngunit naisip ko kung hindi totoo ang nasa isip ko dahil may masakit lang sa akin. Ayokong umasa siya dahil sa sasabihin ko, kaya hindi ko sasabihin sa kanya ang hinala ko sa pagdadalang tao ko sa anak namin sapagkat wala pa akong sapat na katibayan tungkol dito. Ayokong naman kasing umasa agad siya o ang magulang niya na magkakaanak kami kung hindi naman pala.

Matagal niya akong tinitigan na parang sinusuri ang kabuuan ko, kaya agad akong nagiwas ng tingin. Bumuntong huminga ako bago ibalik sa kanya ang paningin. Nananatili ang mata niya sa akin. Kailangan kong baguhin ang pinaguusap dahil mukhang naghihinala siya.

" How was your day.? " Nakangiting tanong ko sa kanya.

Sumimangot siya dahil sa tanong ko sapagkat alam ko may gusto siyang marining galing sa akin ngunit ayokong madulas na masabi sa kanya ang tungkol sa naiisip ko.

" I'm tired now but when I see you sleeping here, nawala  ata ang pagod ko na meron ako kanina, alam mo naman ikaw ang lakas ko. " Pagbibiro niya pero nandito ang kursinidad na magtanong sa akin.

Bahagya ako ngumuwi dahil sa sinabi niya. Nagkatitigan kami para naninibago ako sa mga titig niya ngayon.

" May problema ba.? " Tanong ko.

Umiling  siya at ngumiti sa akin.

" Wala, Naisip ko lang isang araw lang kita hindi nakasama, natatakot na ako na baka mawala ka ulit sa akin pero nandito ka naman, Hindi mo ako iiwan diba.?" Magkahulugan tanong niya.

Tumango ako sa kanya, kaya bahagya siyang napangiti dahil sa pagtango ko. Ayokong nakikitang malungkot at natatakot siya dahil sa akin. Kung ako ang kalakasan niya, ayoko makikita ganito siya sa harapan ko, at gusto kong maalis sa utak niya na hindi ko siya iiwan ulit tulad noon at mananatili lang ako sa tabi niya kahit anong magyari sa amin.

" Mananatili ako dahil mahal na mahal kita. " Pagsisiguradong sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit, kaya ginawaran ko rin siya ng mahigpit na yakap tulad ng ginawa niya sa akin.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon