NINE

3.2K 47 23
                                    

Twenty years ago when we last met. I am not mad with him because he is my father. He is also the first man I loved and I followed everything he wanted. Our family is happy in the six years we have been together but not everyone ends up in a happy ending, not everyone has a beautiful ending.

" Dad. " Tawag ko ng matanaw siya sa pinto.

Agad ko siyang pinuntahan at hinalikan kasabay ng pagbuhat niya sa akin. My daddy is the best man in the world.  Perpekto siya para sa akin, kaya wala ako maibigay na depenisyon para sa akin ama. Mahigit ilan buwan na simula nung hindi umuuwi si daddy sa amin.


" I'm here babygirl, How are you. " Tanong niya habang hinahaplos ang aking buhok habang buhat ako.

" I'm okey dad, Saan ka galing at bakit ngayon kalang umuwi dad, I miss you." Sabi ko sa kaniya. Lahat ng gusto ni daddy para sa akin handa kong gawin para sa kanya.

" Sorry babygirl, I miss you too kaya babawi si daddy, You want to go to the mall para mabili ni daddy ang favorite mong doll.." Masayang tanong niya.

" Yes, dad. " Masayang sagot ko sa kanya.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Agad ako tumakbo sa aking kwarto para makapagpalit ng damit. Pinili kong suotin ang pinakamaganda dress para sa lakad namin ni daddy habang palabas ng kwarto narining ko ang malakas na sigawan sa baba. Mabilis sana ako baba sa hagdan ng matanaw ko ang umiiyak na si mommy habang pinapalo si daddy sa dibdib.

" Get out, Hindi mo makukuwa ang ko. " Sigaw niya kay daddy. Wala naman mababakasan awa na gumuguhit sa mukha ni daddy .

Nung una nagtaka ako kung bakit ganito ang sitwasyon nila because I never see them fight front of me. Ngayon lang siguro dahil nagpakampante ako sa estado ng pamilya namim, kaya hindi ko iniisip na may ganito ng kaganapan na nagyayari sa inaakala kong masayang pamilya.

" Hindi mo mapapalaki ng maayos ang anak ko. " Matalim na boses ni daddy ang ginawad niya para kay mommy.

I love my dad so much but I love my mom too at sa kanilang dalawa si mommy ang laging nandyan para sa akin but I love daddy too pero mas nakakapaglabas ako ng hinanain kay mommy. Minsan wala kasing oras si daddy para makining sa akin pero hindi ko kayang pumili sa kanilang dalawa kung sino ang mabuti para sa akin.

" Wala kang obligasyon sa amin, kaya kong palakihin ng maayos ang anak ko. " Sigaw ni mommy kay daddy.

" Wala kang permanenteng trabaho, Paano mo mabibigyan ng maganda buhay si Glaize, Kung ako sayo ibigay mo nasa akin ang anak natin dahil ako lang ang makakapagbigay ng pangangailangan at magandang buhay para sa anak ko. " Seryosong sabi ni daddy.

" Ina ako kaya ako ang may karapatan para kay anak ko. " Naluluhang sabi ni mommy " Anak ko nalang ang meron ako, kaya sana wag mo naman kunin sa akin ang nagiisang kayamanan ko. " Dugtong niya.

" Ama rin ako, at may karapatan ako sa kaniya, Kung ayaw mong ibibigay siya sa akin, Mapipilitan ako gipitin ka sa buhay mo para maisipan mo ang kakulangan mo bilang magulang niya. " Pasigaw na sabi ni daddy kaya agad napadapo ang palad ni mommy sa mukha niya.

Namuo na ang luha sa gilid ng mata ko, habang pinapanood nagaaway ang dalawang taong importante sa akin. Nadudurong ako dahil hindi ko maisip na pwede magyari sa amin ito dahil naging kampante ako sa takbo ng pamilyang akala ko maayos ngunit hindi. Akala ko masaya pero hindi, akala ko nagmamahalan sila pero hindi.

Nakita ko ang pag-amba ng sampal ni daddy kay mommy pero napigilan ko ito, mabilis akong bumaba.

" Dad. " Pasigaw ko habang bumababa sa hagdan. Gulat ang reaksyon nilang dalawa ng makita ako. Agad naman ako niyakap ni mommy kaya agad ko rin siyang niyakap ng mahigpit.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon