EIGTH

3.4K 47 14
                                    

Natanghali ako nagising kinabukasan. Ginising ako ni mommy pero bumalik ulit ako para makatulog dahil siguro sa pagod. Wala naman pasok ngayon kaya nagpahinga muna ako ng ilan oras. Nagmakabangon agad akong pumasok sa bathroom para makapagayos. Aalis ako ngayon dahil may kailangan ako bilhin sa mall para sa darating na birthday party ni Mijo. Nagmakaayos ay bumaba na ako para makapaghanda ng makakain. May narining ako ingay sa kusina kaya agad ako napasigaw.

" Mom. " Sigaw ko habang pababa ng hagdan pero hindi ang tinawag ko ang bumungad sa akin. Agad naman bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Lien dahilan para matigilan ako sa pagbaba ng hagdan. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ginagawa ng panget nato dito ng ganitong oras.

" Let's eat our breakfast. " Bungad niya sa akin sabay hagod ng paningin sa kabuuan ko.

Naging balisa ako sa ginawa niyang paghagod sa kabuuan ko pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay ng magtama ang paningin naming dalawa at nagpatuloy sa pagbaba. Nagtuluyan ng makalapit sa kanya.

" What are you doing here.?" May iritasyon na patanong ko sa kanya.

" What do you think." Aniya.

" Wag mong ibalik sa akin ang tanong
ko. " Mahinahong pero pakairitang aniya ko. Narining ko ang pabuntong hininga niya bago sumagot.

" Ano nga sa tingin mo kung bakit ako nandito. " Akala ko mahinahon pero nagkamali ako. Mukhang galit na ang isang to.

Akala mo kung sino makaasta sa pamamahay namin, aakala mo pagaari niya lahat. Alam ko ang gusto niyang magyari ay makasama ako pero hindi pwede ang gusto niyang magyari ngayon. Wala ba itong pahinga lagi nalang akong sinusundan.

" Tss. " Sabi ko sabay lagpas sa kaniya pero meron sa puso kong natutuwa dahil nandito siya ngayon kasama ko. Hindi ko na kaya hindi siya makita o makasama araw-araw dahil sa kaniya na siguro umiikot ang mundo ko pagkatapos ng lahat ng nagyari sa amin.

May dalawang sidedish ang nasa hapag kaya agad ako naglagay ng akin. Nakita ko nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kaniya dahil naiilang ako. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko ng maramdaman ko ang pagupo niya sa harapan ko, kaya nilingon ko siya. Nanlilisik ang kaniyang mata habang tinitignan ako dahilan para mangatog ang tuhod ko sa paraan na paninitig na ipinukol niya sa akin.

Pinagmamasdan lang niya ako sa mga ginagawa ko, kaya nakaramdam ako ng pagkailang dahil dito. Tinaasan ko siya ng kilay ng magtama ang paningin namin. Nakita ko ang pagkuyom ng panga niya.

" Ano. " Sabi ko ng makitang hindi siya gumagala at nakatingin lang sa akin.

" Bakit nakabihis ka.? " Seryosong tanong niya pero hindi nagbabago ang umuukit na galit sa mukha nito.

" It's not your business. " Sagot ko ng direksyo nakatingin sa kaniya mata. Nakita ko ang pag-inting ng panga niya.

Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti sa loob ko. Tumataba yung puso ko kapag nakikita kong nagagalit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero meron sa puso ko nagdiriwang kapag galit siya sa akin. Gusto kong makita nagagalit siya sa akin dahil natutuwa ako dito.

" We talk about that, kaya dapat sumunod ka." Seryoso ngunit pagalit na sabi niya. Namumula na ang perpekto niyang ilong dahil sa akin.

Ganito gusto kong nagseselos siya para sasabihan niya sa lahat na pagaari niya ako na may marka siyang iniwan sa buong pagkatao ko. Kinilig ako sa naiisip ko tungkol sa marka niya.

" Oo, napagusapan natin ito pero wala akong sinabing dapat pati isusuot ko papakialam mo. " Nakangising sagot ko.

Deep v-neck sexy with highwaist short. Ang sinuot ko damit ngayon, kita yung kabuuan ng cleavage at hita ko. Hindi ko naman sinasadya isuot ito pero ng makita siya ngayon ay mas nasiyahan ako dahil alam kong maiinis siya sa akin. Nakita ko ang pagliyab ng apoy na dumaan sa kanyang mata dahil sa naging sagot ko kasabay nun ang paglunok niya. Napalunok ako dahil sa adams apple niya gumagalaw, grabe naman ito lalaking ito.

STILL WITH YOU (AS#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon