Prologue

9.5K 139 7
                                    

Love is undenial. Every person deserves to love and to be loved. Love is not about the gender, it's about the feelings. Love is not only for opposite sex. It is for everyone. A man is not only for a woman, and a woman is not only for a man. It can be the man that for a man and a woman that for a woman. We don't have the right to judge and to be judged because love is for everyone, stop being selfish. Let's love.

(a/n; Hi guys! This is my first time writing a story about same sex relationship so please, bear with me. Don't hate, just love and accept. I'll do my best to make it better. Please do support this story. Enjoy reading! Lovelots❣️)

Denise's POV.

Nagmadali na kong mag-ayos dahil may dadaanan pa ko. Kinuha ko na ang bag ko pagkatapos kong magsuot ng sapatos.

"Ma! Alis na ako ah!" naglakad palabas si mama mula sa kusina at lumapit papunta sa'kin.

"Oh sige mag-iingat ka ah?" hinalikan ko siya sa pisngi.

"Opo. Kayo rin dito, ma."

"Ayy nak. Doon ka ba tutuloy sa condo mo mamaya?"

"Depende Ma kapag hindi masiyadong hectic ang schedule ko. Why?"

"Sayang, balak ko pa naman sanang magluto ng paborito mong tinola." ngumuso si mama kaya natawa ako.

"Ite-text ko nalang kayo kapag uuwi ako rito."

"Hmm. Oh sige, sige na. Baka ma-late ka na."

"Sige, Ma. Alis na ko, bye!" patalikod akong kumaway bago sumakay sa kotse ko at nag drive na papunta sa isa pang bahay na pinagawa ko para maging shelter ng mga bata at matanda na walang matirhan. Pinasadya ko na malaki ang gawin dahil alam ko, na dadami ang titira sa loob.

Inihinto ko ang kotse sa may parking lot at bumaba na, pagkatapos ay kinuha ko yung paper bags sa likod ng kotse.

"Teacher Den!" may tumakbong isang bata sa'kin at nang makita ako ng iba ay tumakbo na rin silang lahat sa'kin. Niyakap nila ako. At niyakap ko naman sila pabalik.

"Nag-almusal na ba kayo?"

"Opo!" sabay-sabay nilang sagot.

"May dala ako para sa inyo." pinakita ko ang hawak kong paper bags at nakita ko ang excitement sa mga mukha nila.

"Mga school supplies para may magagamit na kayong bago. At nang hindi niyo na pagti-tiyagaan yung mga sira at luma na."

"Yeheyyyy!!"

"Oh sige na, maupo na kayo roon at bibigyan ko kayo isa-isa." pagkasabi ko nun ay umupo naman silang lahat nang maayos. Sinimulan ko nang i-distribute ang mga school supplies. Walang labis at walang kulang. Lahat sila, pantay-pantay.

"Thank you po, Teacher Denise!" nginitian ko silang lahat.

"Sorry kung minsan hindi ako nakakadalaw, busy kasi ako kapag ganun." sabi ko.

"Okay lang po yun Teacher. Atleast po napupuntahan niyo parin po kami." nginitian ko si Jay at ginulo ang buhok niya.

"Aww. Sa susunod, chocolates naman ibibigay ko."

"Yeheyyyy!! Thank you po, Teacher!" sabay-sabay nilang sabi.

"Uhm.. Teacher!" nagtaas ng kamay si Lena.

"Yes, Lena?"

"Pwede po magtanong?"

"Sure." nakangiting sagot ko.

"Wala po ba kayong boyfriend?" nagulat ako sa tanong niya, biruin mo 6 years old ganiyan ang tanong?

"Ahh hehe, wala Lena e. Wala kasi akong panahon para sa ganun."

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon