Prologue

8 1 0
                                    

Hi everyone. I'm Hana_lein and this is my first ever story.

This is just a story and will not harm other people. Read at your own risk.

Started ×2020×

Let's support each other, hindi nyo ikakaangat kung magbababa kayo ng ibang tao okay?

Sana magustuhan nyo! Walang husgahan ng story ha! Hehe lovelats. - Hana_Lein

__________________________________________________________

The Meeting

"Are you sure you're okay there Klerstyn?" bumuntong hininga ako sa paulit ulit na tanong ni Mommy. Hinilot ko ang sintido ko at sumandal sa swivel chair ko.

"I'm fine here Ma. Don't worry," inipit ko ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga ko. Sinimulan ko ng ligpitin ang mga kalat sa lamesa.

"Just tell me kung nahihirapan ka sa farm at papauwiin ko na ang Daddy mo at sya nalang ang maghandle-" agad ko naman syang pinutol.

"Hey Ma okay lang. I can handle naman. Para saan pa yung tinapos ko kung hindi ko ihahandle ang farm. And plus dad can't handle all the Farm alone."

May kumatok sa pinto ko at tinapuan ko ng tingin yun. Nakita ko ang secretary ko. "Maam magsstart napo after 10 mins," tumango lang ako.

"Ma I gotta go. May meeting kami ngayon," nagsisimula na akong maglakad kaya pinatay kona ang tawag. Tinapuan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin bago pumunta ng conference room.

Andon na lahat at ako nalang ang hinihintay. Umupo ako sa swivel chair at inumpisahan na ang meeting.

Nasa kalagitnaan ng meeting at inilapag na sa harap ko ang papel kung saan ako pipirma. I read all the details on the paper.

The friend of my father requested na sana kami ang megdedeliver sa kanila ng ibat ibang fresh na gulay at prutas. Sabagay dahil Farm Corporation ito. Hindi lang sa Pilipinas ang branch namin. Farm corporation are known everywhere. Mapadito man o mapaibang bansa.

I was reading the paper and the owner caught my attention.

Selena Ellaine Miller
Owner

Shit!

"Miller?" napatingin sakin ang lahat ng nasa room.

"Yes madam. Yan po ang may ari ng mall," maybe this is her secretary.

"Where is she?" umangat ang tingin ko at naghihintay ng may sumagot.

"Wala sya maam. Busy pa po kaya ako ang nagrepresent. I'm her secretary po. Is there anything wrong po ba Ms. Tomitaro?" tumango ako.

Unang meeting at nagawa nya pang hindi sumipot? Madami naman sigurong Miller sa mundo diba? I just shrug away that thoughts and sign the papers.

The meeting was dismiss after signing the papers. Niligpit kona ang mga gamit ko at napagdesisyunang umuwi nadin dahil out nadin naman.

Nakatanggap ako ng text sa mga demonyo kong kaibigan at nagayang uminom sa bar na pagmamayari ni Dacey.

Nang makababa ako sa kotse ko ay natanaw kona ang mga kaibigan ko. Sa labas palang ay maririnig mona ang malakas na tugtog. Talagang dadagundong tenga mo pagpasok mo dun.

"Hey bitchess!" nagbeso beso kaming apat, nagtanguan naman kami ni John Mark at pumasok na sa loob. Ang daming tao!

"Grabe ahh! Talagang sikat ka ng demonyo ka!" natatawang sabi ni Irish.

My TOTGAWhere stories live. Discover now