Chapter 6

0 0 0
                                    

Kamusta kayo? Sana okay lang kayo.. At sana mahal nyo ang sarili nyo.. Anyways eto na ang chapter 6! I hope you enjoy! -Hana_Lein💟

_____________________________
Heartache

Klerstyn's Pov:

Maayos na natapos ang debut ni Irish. Naging pangparty na ang tugtog at nawala na yung ibang lamesa. Yung iba ay umuwi na, habang yung iba ay umiinom din. Kami kaming magkakaibigan ang nasa isang table, sa kabila ay puro pamilya ni Irish. Nang mailapag ang Henessy sa aming lamesa ay nagsimula nadin kaming uminom.

Nagpalit na din kami at naging cocktail dress na iyon. Samantalang yung mga lalake ay nagtanggal na ng bow tie tsaka tuxedo jacket na nakasabit sa likod ng upuan at naka white dress shirt nalang sila. Ang mga sleeve ay nakatupi na hanggang siko.

Napatingin ako kay Gab. Ang gwapo nya padin kahit yun lang ang soot. Kahit anong soot ata ay bagay.

Baka mas gwapo pagwalang soot.

Nanlaki ang mata ko sa naisip ko!!  

San nagmula yun?!!

Umiling iling ako at tinapuan nalang ang tingin sa basong nasa harapan ko. Tinungga ko yun. Nakita iyon ni Irish kaya sinalinan nya ule.

"Grabe matanglawin kaa!"

"Syempre walang makakatakas sa mata ko. Uubusin natin to hanggang gumapang tayo papunta sa suite," inirapan ko nalang sya. Umupo na sya ule matapos masalinan ang baso ko.

"So bukas uuwi na tayo?" -Charmaine.

"Hindi pa actually. Kase maggagala pa tayo bukas! Pupunta tayo sa MOA. Gusto kong magskating!" lagi namang ganon. Kinabukasan ay kahit masakit ang ulo mo ay gagala talaga.

"Ganon? Anong oras naman?" napatingin ako kay Jeni. Nakita kong nakasandal sya sa dibdib ni Arjie. Habang si Arjie naman ay nakasandal sa upuan at inaakbayan sya.

"Ede kung anong oras ako magising!" tumawa si Irish.

"Pasalamat ka bday mo!" -Jang.

"At hindi lang yun no! Bukas ng gabi pupunta tayo sa Royal Night Club!! Magpaparty party tayo dunn!"

"Grabe ka demonyo! Walang pahinga sa inomm!" tinungga ni Dacey yung baso nya at nilagyan naman sya ni Irish.

"Pwede ba magpass?" sabi ni Anj.

"Bawal! Pero... pwede namang hindi uminom yung ayaw. Pero syempre kaming apat na demonyo ay bawal!" natawa kami sa sinabi nya.

Naubos namin yung naunang Henessy at nakakaramdam nako ng kamanhidan. Samantalang si Arjie at Jeni ay nagsasayaw ganon din sila Charmaine at Sofia. Kami kami nalang din ang tao kaya mga walang hiya na. Nagbukas ule ng hennessy si Iris.

Mawewasted kami nito eh. Si Anj at si Rhai ay pumasok na sa suite dahil hindi naman sila umiinom talaga. Bumalik na sa table si Jeni habang inaalalayan sya ni Arjie.

"Hoooy Miller," natawa kami dahil sabay na lumingon yung kambal. "Si Christiannn tinutukoyy koo."

Mahina na natawa si James at tinungga nalang ang iniinom nya. Tumingin ako kay Gab at nakakunot ang noo nya.

"May pagasa ba tong kaibigan koo?!!" lumapit sya kay Irish at umakbay.

"Hala ka Jeni! Ano bang sinasabi mo jannn! Lasingg kanaa!" namula ang pisngi ni Irish. Hindi ko alam kung sa alak ba yun o sa kilig kay Gab.

My TOTGAWhere stories live. Discover now