My Engineer
"G-Good Morning Ma'am," bahagya akong nakayuko. Dama dama padin ang sakit ng ulo ngunit nagpumilit akong pumasok kahit pangalawang subject na ito.
"Why are you late Ms. Tomitaro?" nakataas nitong kilay na tanong.
"My head kinda hurts, sorry.." nagpatuloy na ito sa pagsusulat sa whiteboard, senyales na pwede na akong pumasok. Dere deretso akong pumasok at umupo sa upuan ng walang tinitignan sa likod.
"Anong nangyare sayo kagabi?" tanong ni Irish.
"Wala."
The cycle continue, sa kakainom ko gabi gabi ay hindi ako nakakapasok sa first subject ko. Kada pasok ko naman ay namamaga ang mga mata ko. Hindi ko masabi sa kanila yung problema ko dahil natatakot akong maging pabigat.
Kinimkim ko lahat iyon, kahit pati nadin ang balitang nanghihina na si Lola. Tuwing uwian ay dumideretso ako sa bahay para tumugtog ng piano.
"Fuck! Fucking play!" pinilit kong tumugtog ng bagong kanta. Pagnaiinis ay dinidiinan ko iyong keyboards. Nagcacause iyon ng malakas na ingay kaya napapagalitan ako ni Nana.
"Tyn!" Natigil ako sa pagtugtog ng piano ng may tumawag sa akin mula sa baba.
"Jen?" nagtataka akong tumayo at lumapit sa kanya. Kasama nya si Arjie sa likuran nya.
"Bakit hindi ka na naman pumasok!?" Yeah, nalasing ako ng sobra kagabi. Hangover sucks.
"Masama ang pakiramdam ko," Half lie, half truth.
"No! Lagi mong namimiss yung first subject! Ano bang nangyayare sayo?!" sinamaan ko sya ng tingin at tinalikuran. Alam ko namang nakasunod sila kaya dumiretso ako sa terrace namin at baka marinig kami ni Nana.
"Wala. Sumasama lang talaga ang pakiramdam ko."
"Is this all about Christian?!" stab in the chest happens whenever I hear his name.
"N-No," my throat dry.
"Magsabi ka nga ng totoo sakin Klerstyn! Anong nangyare sa inyo ni Christian?!"
"Love kalma..." narindi ako sa boses ni Arjie. Bumuntong ako ng hininga at sumandal sa railings, nakaharap sa kanila.
"K fine! Wala na kami. Okay na?" Unti unting nanlaki ang mata ni Jeni. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Arjie sa tabi nya.
"W-What?"
"I'm sorry Tyn.. I feel like I'm sorry. Dapat ay pinilit ko si Christian na sabihin sayo agad.." napatingin ako kay Arjie at nakita ko ang bahagya nyang pagyuko. Napatingin sa kanya si Jeni.
"So all this time you fucking knew?!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"N-Narinig ko lang!"
"Bakit mas kaibigan mo ba si Gab ha?! Kaya pinagmuka nyo akong tanga?! O baka ikaw Jeni alam mo din yon?!"
"A-Ano bang meron? Anong nangyare?"
"Pinagsawaan nya ako at niloko! Now get out! Umalis na muna kayo dahil gusto kong mapagisa!" Naging malakas ang pagsigaw ko, dahilan ng pagkakahingal ko.
YOU ARE READING
My TOTGA
Ficção Adolescente"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...
