Sweetness
"2 days from now ay simula na ng test, so start the review now. Wala ng lessons para mas makapagfocus kayo.. Goodluck," anunsyo ng aming adviser.
Today is Monday and our test will be held on Thursday and Friday.
"Buti nalang nagenjoy na tayo kahapon! Jusme magiging busy pala tayo."
"So galit galit muna? Hahaha."
"Punta tayo lib, dun tayo magreview!"
"Kala mo naman nagrereview ka talaga," banat ko kay Jeni. Umirap lang sya at nagayos na ng gamit. Lumapit sakin si Gab ng nakabag na.
"Sa lib daw tayo.." tumango sya at hinintay akong matapos na magayos ng gamit. Sabay sabay kaming nagpunta ng lib, umupo kami sa pahabang table. Dahil hindi kami kakasya sa single table.
"What do you want to eat?" mahinang tanong nya sa akin ng makaupo kami.
"Ako na bibili!"
"No," ngumuso ako at kinuha ang wallet. Sinamaan nya ako ng tingin, "No."
"Water lang.."
"Hindi ka mabubusog dun," patuloy padin akong nakanguso.
"Oo na, salad nalang.." tumango sya at hinalikan ako sa ulo.
"I'll be right back," kasama nya ang mga lalaki.
"Ang sweet naman.." asar ni Sofia.
"Kayo naba?" naniningkit na tanong ni Irish.. Hindi ko mapigilang hindi kabahan, pero hindi naman sobra. Lalo na't nagusap na kami.
Flashback:
Nakaupo kami sa dulo ng swimming pool, kasama si Irish. Yung mga demonyo ay nagswiswimming.
"Ang sweet nyo ni Christian.." tumingin ako sa kanya. Nakangiti lang sya.
"Irish.."
"Wala ka dapat ipagalala sa akin demonyo. Okay na ako, thanks kay Jang.."
"Sigurado kaba? Sorry kase nasaktan kita.."
"Alam mo Tyn, kasama yun sa pagiging mature.. Masasaktan at masasaktan ka, pero kase kahit anong sakit yun may dadating para sagipin ka.."
"Si John Mark ba ang sumagip sayo?"
Nakangiti lang sya.. "Hindi ko maiwasang hindi matakot, kase baka mamaya katulad lang din sya ni Christian.. Pero pinatunayan nya na hindi.."
"I'm happy for you Irish.. I really am.. And I feel sorry.. Sorry-"
"Tyn.. Hindi mo kaylangan magsorry sakin. Kase tinaggap ko na yun, simula palang alam ko ng may ibang gusto si Christian pero binaliwala ko iyon... I'm really sorry.."
"Hindi mo kaylangan magsorry Irish.."
"Pero masaya ako para sa inyo.. Sobra. Siguro kase ang dali kong nakamove on dahil anjan si Jang.."
"Kayo ah.. Ano ng relationship status nyo?"
"Hahah, manliligaw.."
"Oy kayong dalawa, nagdradramahan pa kayo jan! Tara na dito!"
Sabay kaming tumawa at lumapit na sa mga kaibigan namin.
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...