Chapter 35

0 0 0
                                    

Proposal

Walong oras ang byinahe namin papuntang Mariveles, Bataan. Doon ay may sinuggest silang beach, pero yung mga may camping van lang ang nakakapasok doon or tent. Dahil wala kaming hotel na tutuluyan doon.


Ganon yung style nung beach, ang cool diba.


Madaling araw kami nakarating doon. Kaya pagdating na pagdating namin doon ay pinatulog muna namin ang driver.


"Tignan mo! Umiilaw yung buhangin!" Nagkumpulan kaming magkakaibigan. Hinawi ni Dacey ang buhangin at kuminang kinang iyon.



"Omaygad!"


"Ang ganda!"


Medjo madilim kaya nagset up sila ng bonfire sa dalawang gilid ng aming camp van. Balak naming magmidnight swimming. Nauna na ang mga kaibigan ko doon. Samantalang ako ay nagpipicture gamit ang instax.


"Ang daming shotting star.." Bulong ko sa sarili.



"The night is so beautiful like you," binaba ko ang instax at bumaling sa gilid ko. Si Gab ay nakatingin sa taas, naramdaman nya atang nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ang paningin namin.


"Tss," Mabilis ko syang kinuhanan mula sa aking
camera.


"Hey, I'm not prepared.." Mahina kaming natawa sa sinabi nya.


Gwapo naman sya sa kahit anong anggulo.


Inilahad nya ang kanyang kamay kaya taka akong tumingin, "Let me borrow your
instax."


Ibinigay ko sa kanya iyon at tumingin ang tingin sa dagat. May nagflash kaya taka akong tumingin sa kanya. Lumabas ang picture at agad nyang ibinalik ang instax sa akin. Ngunit ang picture ay agad nyang inilagay sa wallet.


"What.." taka kong tanong. Umiling lang sya at ngumiti.


"Hoy dalawang lovebirds!" sabay kaming napalingon sa aming camp van.



Nakatayo si Irish at Jeni doon, "Swimming na tayo!"



Umiling iling ako at naglakad na patungo sa kanila. Medjo pahirapan pa dahil sa soot kong sandalas. Hinawakan ako ni Gab sa siko at inlalayan.


"Sana ol," ngumuso si Jeni at tumalikod na.


Hinubad ko na ang soot kong dress sa loob ng banyo ng camping van namin. Nakatwo piece swimsuit nalang ako pero nagsoot ako ng maong short.



"Witwiw," sinamaan ko ng tingin si Jeni. Pink na one piece ang soot nya at nakamaong din. Sa akin ay kulay itim.


Hindi na ako nakaangal ng hinatak na nya ako palabas ng camping van. Nakasalubong namin si Gab, he glared at me. Umiwas ako ng tingin ng pagsadahan nya ng tingin ang aking soot.

My TOTGAWhere stories live. Discover now