Double Date
Nakarating kami sa building ng botique ni Ate Danzee. Pinsan ko iyon sa father's side. Isa sa mga sikat at propesyonal na designer.
"Hi Tita, Tito!" bati nya ng makapasok kami sa office nya. Nagbeso sila ni Mommy at Daddy. Ngumisi syang bumaling sakin.
"I waited this! Yung magpapagawa ka ng gown sa akin dahil magdedebut kana! You're now starting to be a woman," ngumiti ako kay Ate Danzee, iginaya nya sila mommy paupo sa sofa. Samantalang ako ay nakatayo sa harap nila.
"I would like my gown black and beige at the same time but sparkly," ngumuso sya at tumango. Inabot nya ang papel, pencil at medida mula sa table nya.
"You always want black huh," nagsimula syang magsukat sa aking braso. "Do you still play Tyn?"
Natigilan ako sa tanong nya, I don't play Piano anymore..
Hindi ko iyon sinagot, siguro ay alam na nya ang sagot kaya hindi na sya nagtanong pa.
Simula ng mawala si Lolo ay hindi nako tumugtog pa ng piano. Wala naman na ding manonood sa akin, bukod sa kanya. Kaso ay nawala kaya nawalan na din ng gana."You should start your diet Tyn," nanatili ang tingin ko kay mommy.
"Yeah, I know.." kada sukat ay sumusulat si Ate Danzee sa papel na hawak hawak nya.
"Grabe Tita? Ano pang idadiet nito, kahit ata kumain to ng kumain eh kakasya padin sa kanya yung gown."
Ngumuso ako sa kanya, "Tss!" humalakhak sya at kinuhanan na ang aking bewang.
"I want it like monarch, and in top halter strap.."
Ngumiti sakin si Ate at tumango, "Hindi halatang prepared Tyn?"
"Can you do that?" ngisi lang ang sinagot sa akin ng aking pinsan.
Umupo ako ng matapos akong sukatan. Si mommy ay nagpagawa din ng dress, samantalang si Daddy ay madami namang tuxedo sa bahay.
"May escort ba?" tanong ni Ate Danzee habang nagssketch ng siguro ay gown ko.
"Wala," tumikhim si Daddy at umayos na ng upo.
"I see, still strict huh Tito?" tumaas ang kilay ni Ate Danzee ng bumaling sya kay Daddy.
"Of course, even is she's turning 18 doesn't mean she can have boyfriend. Still young to have relationshits," mahinang pinalo ni Mommy si Daddy sa braso. Ngising aso lang ang ibinigay ni Dad.
Inihatid nila ako sa condo ko pagtapos, sila naman ay umuwi sa bahay.
From: Dacey
Kamusta ang pagsusukat?
To: Dacey
Fine..
Nanatili lang akong nakaupo sa aking sofa at naghihintay ng text ni Dacey. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong pinindot.
From: T
How are you? I miss your voice..
To: T
Fine, kaylan ka pwedeng makita?
From: T
Soon, baby.
Kumalabog ang puso ko sa huli nyang text. Shemay! Bakit ganito ang pakiramdam..
From: Irish
![](https://img.wattpad.com/cover/221818009-288-k926962.jpg)
YOU ARE READING
My TOTGA
أدب المراهقين"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...