Chapter 11

0 0 0
                                    

Piano

11 na ako nagising ng umaga. Kaya ang ending ay nalate ako ng pasok! Sino ba namang hindi makakatulog agad diba? Bigla ba naman umamin yung nagpakilalang T na sya si Gab! Muntikan ko na ngang maibato ang cellphone ko dahil dun.

Hiyang hiya ako nung nagtuturo na si Maam Magadia nang dumating ako, kaya natuon lahat ng tingin sa akin. Lalo pang nanginig ang tuhod ko ng magtama ang paningin namin. Nung una ay madalim ang pagtitig ni Gab, hanggang sa naging ngisi iyon.

"Anyare sayo demonyo? Nasarapan masyado kagabi?" ngumisi si Irish sa akin ng makaupo ako sa upuan ko.

"Huh?"

"Ano bang nangyare matapos ka nyang maihatid? Kiss?" ngumuso pa sya ng bahagya. Omaygad umiling ako sa kanya at inilabas ang notebook ko mula sa aking bag.

Kinalabit ako ni Jeni mula sa likod, "Ikaw ah, may kadate ka kahapon ah!" ngumisi nalang ako, nahagip pa ng paningin ko si Gab na tinatap ang ballpen sa lamesa habang nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at nakinig nalang.

Nang natapos si Maam Magadia, ay nagaayos na kami ng gamit para sa next sub naming ICF. Dederetso kami ng computer lab.

"Tara na?" nang maipasok ko na ang notebook ay hinawakan na ni Dacey yung kamay ko at nauna kaming maglakad. Nalampasan pa namin sila Gab.


"Grabe makatingin si Christian ah, parang matutunaw ka," ngumisi ang aking kaibigan matapos nyang sabihin iyon. "Anong akala nya makakalapit sya? Kokotongan ko iyon makita mo."

"Shh, baka may makarinig sayo."

Nang makarating sa computer lab ay pumasok na kami. Nanuot sa aking balat ang lamig mula sa loob.

"Lamig," medyo napalakas ata ang sabi ko kaya tumingin sa gawi ko si Gab. Kinabahan ako ng makita ko syang tumayo at papalapit dito, pero naunahan na sya ni Dacey na tumabi sakin. Tumayo na din si Maam Nimfa kaya napaatras sya at bumalik nalang sa upuan.

"Sa wakas masisilayan ko ule si Maam Nimfa."

"Huy grabe ka Jang.."

Buong oras ay nagturo lang kaya hindi kami masyadong nakapagcomputer. Bukas ay magkakaroon ng test, at sa computer namin iyon sasagutan. Buti nalang nakinig ako.

Recess na ngayon at andito kami sa canteen. Nasa iisang table kaming lahat, at pinagtabi pa namin yung dalawang table para magkasya kami. Ang binili ko ay isang sandwich lang at C2.

Nung binuksan ko iyong pagkain ko ay nakita kong nakatingin si Gab sa gawi ko.

Ano na naman ba?

Bumuntong hininga nalang ako at mahinang nagpasalamat para sa kakainin. Susubo na sana ako nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone mula sa bulsa ko. Kumagat muna ako bago iyon kinuha.

1 new mssg

From: Christian Gabriel

     Eat more please.

Bumara sa lalamunan ko iyong nilunok ko kaya napainom ako, nakita ko naman syang ngumisi.

"Pero nakapagsukat kana ng gown Tyn?" nagangat ako ng tingin kay Jeni.

"Y-Yup, uhm yung sa inyo isschedule. Medjo madami kase tayo eh. Bukod sa madami din kaming pamilya, madami din kayo," tumango tango naman sila.

My TOTGAWhere stories live. Discover now