Chapter 36

0 0 0
                                    

Liar


"Kamusta ka ng wala ako?" I ask. Medjo kabado pa ako ng tinanong ko iyon. Gusto ko kasing malaman kung anong ginawa nya at paano sya naging successful.


Nagangat sya ng tingin at ngumiti, "I was not okay."



I swallow the food I coined in my mouth, "B-Bakit?"



"Cause I'm not complete," kumunot ang aking noo. Ang simoy ng hangin ay sumasalubong sa aking buhok at muka. Pinagsalikop ko iyon.



"You're now successful.. How come you're not complete?"



"Cause you're not with me as I achive everything," bahagya akong natigilan. Nagkatitigan ang aming mga mata. His eyes were full of pain and agony.


"Gab..."



"It's okay, it's kinda my fault anyway.." sabay kaming ngumiti at nagpatuloy na sa pagkain.



Habang nagpipicture kami sa instax ay tunog ng tunog ang kanyang cellphone. Sinusulyapan nya iyon pero hinahayaan nya lang or pinapatay, kaya tutunog uli.



"S-Sagutin mo na kaya.. Baka importante.." kumunot ang kanyang noo at bumuntong ng hininga.



"Wait okay?" He kissed the top of my head. Kinuha nya mula sa bulsa ang phone.



"Hello?" unti unti syang lumayo. Tanging bulto ng likod nya ang aking napagmamasdan. Bumuga ako ng hininga at nagpicture sa paligid.



"Shit!" sumulyap akong muli sa kanya. Nagtama ang amimg paningin kaya taka akong tumingin.



"Why?"



"Ni-Nicole's here.." My blood started to boil inside. I just act calm.



"Okay, let's go?" nauna akong naglakad at nilampasana sya. Ngunit hinawakan nya ang aking braso ng marahan.


"Are... you okay?" Tumaas ang aking kilay at ngumisi.



"Yeah."



Binawi ko ang aking kamay at patuloy na naglakad. Nang matanaw ko ang aking mga kaibigan, nakatayo sila sa isang side habang si Nicole ay nakita kong nakatayo sa harap nila. She's wearing a floral dress, besides her was her bag and luggage.



Nang makalapit ay narinig ko ang kanilang usapan.




"What are you doing here?" Mariin na sabi ni Dacey.


"I'm here for Christian," hinawi nya ang kanyang buhok.



"But you're not one of our friends," Irish's feedback.




"Well... I don't care," umirap sya kaya nahagip ako ng paningin nya. Ngumisi sya at lumapit sa akin.



"Where's my boyfriend?" Taka nyang tanong. Biglang nanlamig ang aking palad.




"Boyfriend?" My head tilted.



"Nicole, what are you doing here?" Rinig kong sabi ni Gab mula sa likod. Napunta doon ang kanyang paningin at ngumiti. Nilagpasan nya ako at masayang yumakap kay Gab.



"I miss you!" She giggled. Our eyes met but I just looked away. Dumiretso ako ng punta sa camping van at tumungo sa banyo nito.




My TOTGAWhere stories live. Discover now