Someone Else
Klerstyn's POV:
Naging tahimik ang buong byahe. Pati kami ni Gab ay tahimik lang habang nakikinig sa iisang music na meron sa cellphone ko. Katabi ni Gab si Dacey sa kaliwa nya. Minsan ay pasulyap sulyap ang demonyo samin. Nasa likod kami kaya hindi kami napapansin masyado.
Maya maya pa ay nakatulog na ang lahat. Ako nalang ang natirang gising dahil hindi ako makatulog. Sumulyap ako kay Gab. Nakita ko syang nakapikit pero tikom ang kanyang bibig. Tinitigan ko sya dahil eto nalang ang chance ko na makakalapit ng ganito sa kanya.
Ang kapal talaga ng kilay mo pero hindi masagwa. Ang cute ng mga labi mo, ang sarap halikan. Mamula mula iyon hindi ko alam kung ano bang inilalagay mo para makatanggap ng ganyang labi.
Omaygad! Bigla syang ngumiti! Pero nakapikit padin yung mata nya! Nananaginip ba sya? Sino ang napapaniginipan nya? Si Irish ba? Bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa bintana.
"I saw you," his voice was husky! Arghh.
"W-what? Kanina kapa gising?"
"I can feel it, you're looking at me," tumingin ako sa kanya, nakita ko syang nakatingin sakin at nakangisi.
"A-ang kapal mo ah!"
"No I'm not," lumapit ang muka nya sakin kaya napaatras ako ng upo.
"A-ano ba!" asik ko. "B-baka mamaya kung anong isipin nila!"
"Baby, let them think," napatingin ako sa kanya. Omaygash! Tama ba yung narinig ko?!
Baby daw?!!
"What.." napanganga lang ako. Hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Shut your mouth baby, you look stupid," narinig ko ang mahina nyang pagtawa! Aba! Ang kapal naman ng muka neto!
"A-ano bang pinagsasasabi mo jan? Baka may makarinig sayo! T-tigilan mo nga.." hindi ko na sya pinansin. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Baby daw? Pano kung may makarinig sa kanya?! Potek!
Nakarating kami sa MOA at dumiretso muna ng pancake house. May sari sarili naman kaming pera para makapagbayad pero ginamit ang card ni Irish dahil yun daw ang sabi ng Mama nya.
"Excited nako magskating! First time koo." -Jang.
"Sana may foreigner dun!"
"Pogi pwede nadin! Or moreno trip ko talaga yung mga lalaking moreno tas malakas ang appeal!" humighik si Dacey matapos nyang sabihin yun.
"Nako si Tyn dapat ihanap natin yan! Yan lang walang lovelife!" natigil ako sa pagnguya. Nasulyapan ko si Gab sa tapat ko. His jaw clenched pero nakatingin lang sya sa kinakain nya.
"A-ah hindi na kaylangan, hindi ko naman priority yan."
"Kunwari kapa! Puro manliligaw lang pero walang nagiging jowa!" -Irish.
"Hindi naman... kaylangan yun demonyo."
"Bakit nga ba wala kapang jowa Tyn?" tumawa si Jang habang sumisimsim sa kape nya.
"Mapili kase yan eh!" dagdag ni Jeni.
"Hindi ah.." inangat ko yung ulo ko matapos kong sumubo ng pancake. Muntik pakong mabulunan ng nakatingin si Gab sakin!
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...