The Gwapo
*bzzZzz..
*bzzZzz..
Fuck! Sino ba tong tumatawag nato! Kay aga aga! Hindi ba nya alam na natutulog pa yung tao! Pikit mata kong kinapa ang cellphone ko sa lamesa katabi ng kama ko. Nang maabot kona yun ay dinilat ko ang isang mata para makita kung sino ang istorbong tumatawag!
Incoming Call: Irish...
"Pota! Buti naiisipan mo ng sumagot! Kanina pa kita tinatawagan!" tangeneng bunganga to! -,- Kay liit liit na tao ang lakas lakas ng boses! Ang sakit sa tenga!
Irish May Majoros
"Fuckshit! Natutulog pa yung tao! Iniistorbo mo panaginip ko!" nakapikit kong sabi, Grr!
"Hoy demonyong princesa! Baka nakakalimutan mong enrollment na sa school!" fuck! agad akong napabangon ng maalala kong unang araw nga pala ng enrollment! Fuck! It's 9 o'clock!
Agad kong pinatay yung tawag at mabilis na kumilos. Nang matapos akong maligo ay nagtext ako sa kanila ng otw nako, kahit ang totoo ay nagbibihis palang ako! Isang off shoulder na black, high waist na short at isang black na dollshoes ang sinoot ko. Dala dala ang maliit na bag at envelope.
Nang matapos ay agad agad akong lumabas sa condo ko. At naghintay ng jeep na masasakyan. Anong akala nyo sakin mayaman? Yung pamilya ko oo, pero kaylangan kong maging dependent at matutong magisa. Nang makasakay ako sa jeep at tinignan ko ang mga text ng mga demonyo sakin.
From: Demonyong Dacey
Care to wake up? Hell. Kanina pa kaming 8.30 nakaupo dito sa bench kakahintay sayo!
From: Demonyong Jenirose.
Hoy! Babaita! Lagi nalang talaga ikaw nahuhuli sa mga lakad!
From: Demonyong Irish
Gising na princesa!!!
Halos lahat ng text na natanggap ko ay galing sa mga kaibigan ko. Wala naman akong jowa para makatanggap ng good morning at kumain kanaba. Pinatay kona ang cellphone ko at tinuon ang pansin sa labas ng jeep. Malapit nakong bumaba.
Ng natanaw kona ang mga kaibigan ko ay agad akong nagpara. Dali dali akong bumaba dahil masesermunan na naman ako ng mga to!
Unang sumalubong sakin ay si Irish na nakapameywang. "Aba! Ang sabi 8:30 dapat andito na! Ikaw halos 10 na dumating! Mahaba na ang pila!"
Umirap ako sa kawalan at inaya na silang pumasok sa loob sa University. Dito na kami since first year.
"Sorry naman! Nasanay kasi akong bakasyon! Hahahaha." swinipe ko yung id ko dun sa isang machine para makapasok na sa loob. Ganon din ang ginawa ng mga demonyo kong kaibigan.
Ng makarating kami sa registar office ay mahaba na nga ang pila. Isa isa pa nilang chincecheck ang mga studyanteng mageenroll.
"Omaygash si Kuya Nash! Asan liptint! Baka oras na to para mapansin nyako! Kyaah!" narindi ako sa sigaw ni Dacey. Nakita ko syang nagliptint agad at sinuri ang sarili sa salamin. Umirap ako sa kawalan habang tumatawa at tumingin tingin nalang sa mga nakapila.
May isang lalaki ang nakapukaw ng tingin ko. Kasabay na umihip ang hangin. Isang gwapo. Typical na gwapo. Maputi sya dahil sa itim nyang buhok na natatakpan ang kanyang noo, matangos ang ilong, may pagkahabang pilikmata, katamtamang kapal ng kilay at may pagkapulang labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/221818009-288-k926962.jpg)
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...