Fight
As days passed nagiging okay na si Irish. Medyo humupa na din ang mga paratang sa akin. Samantalang ako hindi na nakausad. Patuloy akong umiiwas kay Gab, ni hindi ko sya sinusulyapan. I just treated him like he don't exists at all. Minsan pa ay naririnig ko sya nung nasa pila kami.
Flashback:
Nakapila kami dahil magaanounce ng schedule sa incoming festival which is maglalaban laban ang bawat batch depende sa concept ng sayaw nila. Samin ay ang hiphop. Isa isang binabanggit ang mga section.
"Wala ng mas sasakit pa sa pinaramdam mo," napalingon pa ako sa likod nang naramdaman ko syang dumaan. Pero tanging likod nalang nya ang nakita ko. Si Dacey naman ay tumikhim, panigurado narinig nya yon. Si Jen ay umiling iling ako naman ay bumuntong hininga at nakinig nalang sa harap.
End of flashback...
"Ang mga girls ay mayblablack na croptop tapos high waisted na shorts," madaming umangal doon ng inannounce iyon ng president namin.
"Hindi ba sila mababastos doon?" tanong ni Jang.
"Hindi pa kase ako tapos diba? Papatungan iyon ng denim jacket. Magmamalaking tshirt muna kayo sa loob habang hindi pa tayo ang magpeperform," muntikan na akong umangal ng maalala ko yung jacket ni Gab! Hindi ko pa pala iyon naibabalik sa kanya. Bibili nalang siguro ako no?
"Christian, nagrequest kasi si Maam na kumanta ka daw. Pambungad.." medyo namula pa ang pisngi nung president namin. Tumaas naman ang kilay ko.
"What?" mahina nyang sambit. Hindi ako tumingin sa gawi nya. At sobrang hirap non. Laging nakatalikod sya pagtinatanaw ko at madalas ay sa malayo pa.
"S-sabi ni Maam.."
"Okay," kahit di ako nakatingin ay alam kong nakangisi sya.
"Sige.." patuloy pa na nagusap patungkol sa paapalapit na festival.
Tuwing Ten o'clock ng umaga ay nagkikita kita kase sa stage para sa paggawa ng ilang props, dagdag points kasi iyon lalo na pagimprovise.
"Tyn patulong, hindi ko kase abot yung bandang taas.." tumango ako sa kaklase ko at kinuha ang paint brush. Umakyat ako sa maliit na hagdan at maayos na nagpaint. May tumulo pa nga na paint sa aking damit. I was wearing black tee and I paired it with black leggings and puma shoes.
"Okay na.." ngumiti ako at dahan dahang bumaba kaya lang ay hindi ako nakatingin sa aking aapakan. Namali ako ng apak at agad na nangamba ang sistema ko! Handa na sana ang katawan kong bumagsak sa lupa ngubut ibang init ang naramdaman ko.
Kaso sa kakamalas malasan nga naman.. Hay nako.
Abot abot na kaba ang naramdaman ko ng maidilat ko ang aking mata. Sa tagal tagal kong hindi sya tinignan, bigla na lamang nahulog ang puso ko. Nang magkatinginan ang aming mga mata ay lumakas ang tibok non. Unti unting bumaba ang aking tingin at nahinto iyon sa kanyang labi.
Omaygad I remember our kissed!
Sapilitan ko pang ibinaba ang aking mata sa kanyang white tshirt na nadungisan ng paint dahil sa hawak hawak kong brush para hindi ako madistract ng labi nya.
Agad na namula ang pisngi ko at mabilis na bumaba sa pagkakakarga nya. Napahinto ang mga kaklase ko sa ginagawa nila at natulala sa amin. Narinig ko pa ang pagangal ni Gemma. Wala akong nakitang reaksyon kay Irish at Jeni. Samantalang si Dacey ay nagpipigil ng ngiti.
YOU ARE READING
My TOTGA
Novela Juvenil"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...