Chapter 25

0 0 0
                                    

Boyfriend


"Hi baby, good morning!"


"Gab!" bigla ko tuloy nasarado yung pinto! Nagmadali tuloy akong pumasok sa loob ng banyo at naligo!


Nakalimutan kong aalis nga pala kami ngayon! Eh pano naman kase ang sarap ng tulog ko kagabi! Nawala tuloy sa isip kong magayos bago sya pumunta. Paano nalang kung naturn off sya sa itsura ko? Huhu.


I wear a black croptop and high waisted pants. Nakita ko kaseng nakablack si Gab. I just bun my hair and put sandals. I also wear the necklace he gave me.


"H-Hey.." naabutan ko syang nakaupo sa couch ko. Nang makita nya ako ay agad syang tumayo at ngumiti. Hinalikan nya ako sa noo at ibinigay ang flowers na dala dala nya.


"For you," dinala ko na kasama namin yung flowers. Syempre story to sa IG. Si Gab ang magdradrive ngayon papuntang mall. Habang ako ay busy sa pagpipicture.


I captioned: Love Love <3


"S-Sorry nalate ba ako ng gising?" Inilagay ko muna yung bulaklak sa likod at nagseatbelt.


"Hindi naman, sakto lang.."


"Err-"


"You look so cute by the way.." ngumiti lang ako sa kanya at umiwas ng tingin. Shete baka namumula na naman ang pisngi ko!


Nang nakarating kami ng mall ay dumiretso na muna kami sa duplicate store para mapaduplicate iyong susi namin. Sinabi naming babalikan nalang iyon, dahil kakain muna kami ng breakfast.


"Pancake tayo love! Ako naman manlilibre!" aangal pa sana si Gab ng hatakin ko na sya papuntang pancake house. Umupo kami sa two seats na chair. Dinaluhan naman kami agad ng waiter.


"Good Morning Maam and Sir.." lalaki iyong nagseserve kaya walang problema. Buti nalang hindi babae at baka mabadmood ang umaga ko. Grr.


"2 pancakes and.. What drinks would you want to drink baby?" tanong sa akin ni Gab.


I place my sight on the menu, "Hmm hot chocolate."


"Okay beautiful, one hot chocolate and a coffee."


"That's all sir?" Tumango nalang si Gab kaya umalis na iyong waiter. Tahimik lang na nakatitig sa akin si Gab.


"Bakit?" mahina kong tanong. Nakakabugso kasi ng damdamin yung tingin nya.


"Nothing, that guy keeps on glancing at you." Mariin nyang sabi. Kunot noo ko syang tinapuan ng tingin bago nilibot ang paningin.


"Wala naman ah?"


"The waiter guy," he glared.


"Hala ka? Eto naman oh, ikaw lang love ko!" Then I pinched his cheeks. Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi ngunit umiwas sya ng tingin.


Hala kinilig?


I laughed that's why he glared at me again. "What?"


"Tss," umiling sya at kinuha ang cellphone. "Let's take a picture.." nang iharap nya sa amin ang camera ay nagpose agad ako. Sya naman ay nakangiti. Ang gwapo gwapo!


Nang natapos ay binuksan ko muna ang IG. Ang daming message doon sa gc namin.


Irish: Ang sweet sana ol!


My TOTGAWhere stories live. Discover now