Jeni..
"HAPPY BIRTHDAY!" Kahit papikit pikit ang mata ko ay pinilit kong dumilat.
"Ano ba yan! Yung flash nyo naman ang sakit sa mata!"
Hulaan nyo kung anong oras palang kingina.
IT'S FUCKING 4 IN THE MORNING!
Naudlot ang panaginip ko ng narinig kong kumakalabog sa pintuan ko. Nung una akala ko ay sila Mommy, pero nagulat ako ng andito silang lahat. Even Gab, pero ilang padin sila. Medyo malayo sya at kasama si Jang. Parang hangin ang turingan nila sa isat isa.
Silang lahat ay ready na samantalang ako ay nagtatanggal pa ng muta putcha.
"Magaayos pako!" nung una ay umangal pa sila. Pumasok ako sa loob ng kwarto at dumiretso ng banyo para makaligo. Hindi rin naman ako nagtagal doon. Habang namimili ng damit ay nasulyapan ko iyong denim jacket ni Gab, balak ko na sanang ibalik kaso paano?
Sa huli ang napili kong sootin ay isang tee shirt at high waisted na short. Ingay nila ang nadatnan ko ng matapos akong magayos. Inalalabas ko ang aking bag ng lumapit si Gab, nasa likod nya si James.
"Let me bring that," akma nyang kukunin ngunit iniiwas ko iyon! Agad akong sumulyap kay Irish. Kahit pa anong pilit nyang magkunwari ay nakikita ko syang sumusulyap kay Gab.
Umiling iling ako at nilagpasan sya. Ibinaba ko iyon sa sofa. Inilabas ko ang aking cellphone ng magvibrate iyon.
From: Mommy
Anak we're here.
"Andito na daw sila Mommy, let's go," anunsyo ko sa kanila. Naunang lumabas si Irish kasama sila Sofia. Ako ang huling lumabas dahil ilolock ko ang pinto. Naabutan ko pang nakatayo si Gab sa dingding.
"What the hell are you doing?" buti ay dumating si Dacey at sabay sabay kaming bumaba.
"My dear Yuki, happy 18th birthday!"
"thanks mom," I kissed her cheeks.
"Happy birthday, I love you," I also kissed Daddy's cheek.
"Thank you mom and dad, I love you both."
Matapos nila akong batiin ay pumasok na kami sa loob ng van. Sila Mommy ay dala ang sariling kotse. Kaya kami lang magkakaibigan ang nandito. Buong byahe ay tulog lang ang ginawa ko. Si Dacey ang katabi ko sa kaliwa habang sa kanan ay si Gab. Minsan ay pasulyap sulyap pa sa gawi namin si Jang dahil
nasa harapan namin sya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan at mapaisip.May alam ba sya?
Nakarating kami sa shangri la ng alasais ng umaga dahil hindi naman traffic. Pero nagstop over kami para makakain ng breakfast.
"Grabe hanggang dito ba naman ay kakain?" umiling iling si Sofia pero tumikim din naman. Pagdating namin ay iginaya kami sa loob para makakain.
"Mommy here!"
"Happy Birthday iha," sinalubong kami ng mommy ni Dacey which is si Tita Maritess.
"Thanks, tita," I also kissed
her cheeks."Kamusta ang parents mo Irish?" tanong nito ng bumaling kay Irish.
"They're fine, Tita. Pupunta sila mamaya," mahina naman itong tumango bilang tugon.
The party will start at 5pm. Buong umaga ay nagpasya munang magpahinga, ang iba kong kaibigan ay nagbalak magswimming. Ako naman ay nanatili sa loob ng suite. 1pm ay magreaready na kami.

YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...