Chapter 15

0 0 0
                                    

Present

Alas-onse ng natapos ang party. Nagpalit na ako ng isang floral off shoulder dress dahil magiinuman na at panigurado baka malasing na naman ako. Nandito kami sa maliit na club ng shangri la. Halo halo ang mga tao, hindi na namin kilala yung ibang andito pero meron ding mga taong kasama sa party ko.

"Wooohh! Shot! Shot!" ibinigay sa akin yung shot ng tequila. Balak talaga ata nila akong lasingin. Kanina ay tatlong magkakasunod na tequila ang pinainom nila.

"Body Shot!" masama akong tumingin kay Dacey habang sya ay mahinang tumawa. Natanaw ko si Marlon, tahimik lang syang nakaupo sa lounge namin. Umiinom sya ng beer at nakangiting nakikipagkwentuhan kay Arjie. Mainam na yon para hindi nya mafeel na out of place sya. Minsan kinakausap din naman sya ng mga girls.

"Tyn body shot mo si Marlon!" sabay kaming napalingon kay Jeni, she just smirked when our eyes met. Alam kong iniinis nya si Gab. Alam ko dahil kanina pa nya pinaparinig na bagay kami ni Marlon or isinisama nya si Marlon sa lahat ng bagay na kaugnay ako.

"Uy grabe! Pero sige body shot!!!" tumayo pa si Jang at itinaas ang tequilang kakalagay lang. Inibot nya iyon sakin samantalang sila Sofia ay hinahanatak si Marlon patayo.

"Saan ba?" he chuckled. Uminit ang pisngi ko ng magkatinginan kami. I mouthed sorry pero tumawa lang sya.

"How about sa hand?" Charmaine suggested.

"Cheeks?!"

"Lips!"

"Uy grabe naman iyon Jeni," madiin na sabi ni Dacey pero ngumisi lang si Jeni at dahang dahang sumulyap kay Gab. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapatingin sa gawi nya. He is just sitting quietly there with his glass of black label in his hand. Also clenching his jaw.

He just gaze at me while drinking his beer. Nang makainom sya ay dinilaan nya ang kanyang labi. Ako naman ay nastatwa lang! Shit ang hot!

"Game! Sa may ibaba ng tenga!" umiling ako kay Irish.

"Come on Tyn! Body shot lang naman to! WALA KA NAMANG BOYFRIEND," bumuntong hininga ako at hindi nalang tumingin kay Jen. Nilagyan ko ng asin ang ibaba ng tenga ni Marlon. Agad kong nilagok ang tequila at dinilaan ang asin malapit sa tenga nito. Inabutan nya naman ako ng lemon. Naghiyawan ang aking mga kaibigan matapos yon.

"Wild!"

"Isa pa! Isa pa!"

"San ka pupunta Christian?"

Agad akong lumayo, ibinaba ko ang baso at ang lemon na hawak. Sinundan ko ng tingin si Gab.

"Just get some air," yun lang at nagpatuloy na sa paglalakad. May binulong si Dacey kay Jeni, she just rolled her eyes. Nagkatinginan kami ni Dacey at ininguso iyong lalaking bagyong biglang nagwalk out. Ako naman ay bumuntong ng hininga.

"Wait lang guys," ngumiti ako sa kanila at tumalikod. Narinig ko pa ang tawag ni Marlon pero nagpatuloy lang ako sa paglabas. Nang makalabas ako ay luminga linga ako sa hallway. Tahimik lang iyon at walang tao. Hindi na rin masyadong rinig yung ingay sa loob ng club.

Nagpatuloy pa ako sa paglakad, padiretso ng elevator. Naisip ko kaseng baka nasa suite nila iyon. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay pinagpawisan na ako ng malamig! Naginhale exhale pa ako ng paulit ulit bago kumatok. Kakatok pa sana uli ako ng bumukas iyon.

"What are you doing here?" iyon agad ang bungad ni Gab sa akin. Matalim ang titig nya at nakayukom ang kamay na nakalagay sa gilid ng pinto.

My TOTGAWhere stories live. Discover now