It's called coincidence kung may nakapagpapabagabag sa inyo hehe. Anyway I hope umabot kayo sa chapter 2 hehe thanksss.
_____________________________
Crush
Hindi kona muling nakita yung gwapong nilalang na yun na may dalang bagyo! Kase kada makikita ko sya ay lumalakas ang ihip ng hangin at bumibilis ang tibok ng puso ko! Jusme ano nabang nangyayare sakin! Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ni Jenirose sa pagibig!
(0_0)
PAGIBIG?! THIS I JUST SAID THAT?!!
Nandito ako ngayon sa kusina para magluto ng umagahan ko.
*bzzZz..
Napatigil ako sa pagluluto ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Pumunta ako sa table para makuha iyon. Sa isang kamay ay nagpipipindot sa cellphone ko habang ang isang kamay ay may hawak na spatula. Iyon ay ang gc namin ng mga demonyo!
Demonyong Dacey: So ano ng ganap! Gusto ko maglaklak mga demonyo!
Mareng Jeni: pass! Umuwi na si boylet ko!
Bungangera sa kanto (Irish): Lah! Sana ol may boylet. Btw, nalaman ko na kung anong pangalan ng crush kong bago!
Me: Sino na naman yan?
Dacey: Gwapo ba?
Irish: Christian!
Me: Hindi tunog gwapo.
Mabilis na nakalipas ang araw at kinabukasan ay pasukan ng muli sa skwelahan. Medjo kabado ako, pero hinihiling ko na sana kaklase ko ang mga kaibigan kong demonyo. Patuloy padin ako sa pagcocommute dahil hindi pako legal age para magpatakbo ng sarili kong sasakyan. 17 years old palang ako. Pero malapit na maging legal! Kaya nakakaexcite!
12 pm ang schedule namin sa pagpasok. Kaya andito ako ngayon sa mall para mamili ng gamit. Busy ang mga demonyo ngayon. Hindi ko alam kung saan saan sila naglululusot. Kaya nagsolo nalang ako sa pamimili ng gamit ko. Habang tinutulak ang pushcart at palingon lingon ay may nakaagaw ng tingin ko!
SYA BA YAN?
HALA BAKIT KAMUKA NYA?
Pero parang hindi?
PERO GWAPO DIN?
K-KAMBAL NYA BA YAN?
Pinakiramdaman ko ang aking puso, humawak pa ako sa banda kung nasan iyon. Normal naman ang tibok ng puso ko. Siguro hindi sya yun! Walang bagyo eh. Grr umiling iling ako at hindi ko nalang pinansin yung kamuka ni Gwapo! Bumuntong hininga ako at patuloy nalang sa pagbili ng gamit.
Maaga akong nagising ngayon! Himala yun syempre. Minsan lang ako magising ng nasa oras. Dahil first day of school ngayon!
To: Mga Demonyitas
Woiii! Maliligo nakoo! Asan na ba kayoo. Sana magkaklase tayo!
Nang maisend kona iyon ay agad din akong nagtungo sa banyo para makaligo na. Nang matapos akong maligo ay tinignan ko muna ang cellphone ko at nakita kong nagchat din sila.
Dacey: Otw nako! Hulaan ko! Si Tyn magbibihis palang! Hahahha.
Natawa ako sa chat ni Dacey!
YOU ARE READING
My TOTGA
Tienerfictie"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...
