Poracay Getaway
"Poracay wait us!!!!" napatakip ako ng tenga sa sigaw ni Jeni. Today is Friday's eve and we're going to Poracay, Pampangga. Inilagay ko na ang dadalhin sa likod ng sasakyan ko. Ako at si Gab ang magdradrive neto, sakay namin sa likod si Jen, Dacey at Irish.
Samantalang si Arjie ay magmomotor, angkas nya si Jang. Nagdala ng isa pang sasakyan mula kila Iris para doon makasakay ang iba pa naming kaibigan.
"Sumunod ka lang samin Tyn ha?! Ingat sa pagdradrive!" dahan dahan akong tumango. Nagsakayan na sila sa loob ng kotse. Ako naman ay dumiretso na din sa driver's seat.
"Makakapunta ka ng Pampangga ng walang license? Omoo!" sabi ni Jeni.
"Sub lang naman ako! Si Gab ang magmamaneho ng matagal... Hehe," mahina kaming nagtawanan.
Nauna ang Van habang nasa harap namin sila Jang at kami ang nasa likod. Hindi nila binibilisan dahil baka mawala sila sa paningin ko.
"Tulog muna ako ah?" sumulyap ako sa salamin.
"Hay nako Dacey! Dun ka umulo sa bintana! Matutulog din ako!"
"Uy Christian! Ilagay mo lang ang mata mo kila Arjie ah!" napailing iling si Gab sa sinabi ni Jeni. Maya maya pa ay nanahimik na sila. Sumulyap ako at nakitang natutulog na sila.
"Just tell me when you're tired okay?" tumango ako. Binuksan ni Gab ang Bluetooth sa loob ng sasakyan ko at kinonect ang kanyang cellphone.
NOW PLAYING.. THEY DON'T KNOW ABOUT US BY ONE DIRECTION
"People say.. We shouldn't be together~ Too young to know about forever~" Mahina nyang sabay sa kanta.
"You like that song?" tanong ko.
"Hmm, yeah, that's my song for you.." bigla tuloy akong napapreno!
"Ay tangina!"
"Tyn!"
"Aray ko hayup!"
"Hey!"
Sunod sunod na rant ang narinig ko sa kanila kaya napailing ako at nagpatuloy uli sa pagdradrive.
"Sorry.. Hehe.."
Tumunog ang cellphone ko kaya si Gab ang kumuha non at sinagot ang tawag.
[Ayos lang kayo jan?] boses ni Anj ang narinig ko.
"Yup."
"Hindi!"
Napailing iling ako sa sagot ng mga kaibigan ko sa likod.
[Hahaha kamustang driver si Tyn?] si Aesl naman ang narinig ko sa linya.
"Lipat nalang kami jan! Biglang pumepreno eh!" nagtawanan naman ang nasa kabilang linya.
"Grabe naman kayo sakin!" sigaw ko.
[Stop over muna tayo! Bathroom lang..]
Nang mamatay ang tawag, nakita kong lumiko sila sa gasoline station kaya sumunod din kami. Pinatay ko muna ang makina at lumabas. Nagunat unat.
"Love alam mo ba si Tyn! Biglang pumepreno jusko!" parang bata na sumbong ni Jeni kay Arjie ng makalabas sya ng sasakyan.
"Ang sama!" irap ko.
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...