His side
"Shit naman!" Mahina kong mura ng hindi ko macontact si Daddy or si Mommy. They're both out of reach! Nakakainis!
Breaktime ngayon at andito ako sa office. Badmood ako! Nakakabwiset, imbis na maayos yung mood ko dahil uuwi na si Marlon mamaya. Eh pumangit dahil nakita ko silang dalawa!
Ang kapal naman ng muka nitong tadhana nato. Pinapamuka pa sa akin na pinagpalit ako, at masaya pa yung manloloko na yon. Ede sila na!
"Shit!" I cursed when my tears begun to fall again. Inabot ko ang tissue box sa ibabaw ng lamesa ko. Kumuha ako ng kumuha ng tissue para maipunas dito sa letcheng luha na ito.
Silang dalawa ang magmamanage doon sa warehouse na ipapagawa ni Daddy! So it means kaylangan kong humarap ng humarap sa kanila.
I glanced at the wall clock, it's already 3 in the afternoon. I decide to go home ng maaga dahil magaayos pa ako para masundo si Marlon sa airport.
"Icancel mo lahat ng schedule ko," I told my secretary.
"Ma'am?" nagtataka nitong tanong.
"Just cancel! May lakad ako."
"O-Okay, Ma'am."
Pumasok ako sa loob ng elevator at handa na sanang isarado iyon ng may kamay na humawak!
"Omaygod!" I begun to panic at dahil baka maipit iyong tao na yon. Pero ganon nalang ang paginit ng dugo ko ng si Gab ang nakita ko! Mahina akong napamura sa isipan.
Nagtama ang aming paningin ng pumasok sya pero agad ding naputol ng tumalikod na sya. Nasa likod nya ako pero amoy na amoy ko yung mabango nyang pabango. His scent sent shivers in my spine.
"It's good to see you again," Fuck! Bakit kapa nagsalita!
"I thought I won't ever see you again after you left.."
Ikinuyom ko ang aking kamao sa magkabilang gilid ko. I gritted my teeth as I heard him.
"Yeah," madiin kong sabi.
Hindi ako makahinga sa loob ng elevator sa sobrang tagal non. Iisa lang ang hinihingahan namin ni Gab at ayoko non! It make me sick! It make me wants to puke.
Nang bumukas ang elevator ay laking pasasalamat ko, nauna syang lumabas at gayon din ako. Nagmadali akong naglakad sa parking lot para makapunta sa aking kotse. Tunog ng takong ng aking sapatos lamang ang ingay. I immediately get my keys to open it. Mabilis akong pumasok doon at tumingin sa labas. Natanaw ko syang nakatinggin sa gawi ko!
Mabilisan kong pinaandar ang kotse ko at umalis na sa building!
"Marlon here!" itinaas ko at iwinagayway ang aking kamay para makita nya. Nagkatinginan kami at ngumiti sya. He pushed his baggage towards me. Nang makalapit sya ay niyakap nya ako kaya yumakap din ako pabalik.
"Hey, how are you my baby girl?" he kissed my left cheeks.
"Okay lang.." nanliit ang kanyang mga mata.
"Yung totoo.." bumuntong ako ng hininga.
"Let's eat while catching up.." tumango sya at naglakad na kami papuntang parking. Kumain kami sa restaurant malapit lang sa airport.
YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...