Ride
[Nareceive mo na ba Klerstyn?]
"Yes Dad! Thank youu!" nakangiti akong tumalon talon ng makita ko ang sasakyan ko sa parking lot ng condo. Mini Cooper iyon at kulay itim. Bata palang ako ay ito na ang paborito kong sasakyan.
[Alright, I'll get you a driving les-]
"Wag na dad!" mabilis kong agap ng maalala ko ang sabi ni Gab. "Uhmm, my friend is willing to teach me.."
Hindi agad sya sumagot, tila nagiisip kung papayag ba o hindi, [Who?]
"S-si ano, si Dacey!" alam ko kaseng hindi sya papayag paglalaki iyon. Kilala ko si Dad pagdating sa lalaki.
[Are you sure?]
"Yup Dad!"
[Alright, take care huh. Inaasikaso ko na yung license mo. So sa ngayon ay magaral ka muna ng pagdradrive.]
"Sige po Dad. Thank you! Ingat kayo jan ni Mommy."
[Anything for my Yuki, take care. Call me when there's a problem.]
The call ended. I hurriedly ran down to the stairs. Nang makalapit ako sa kotse ay agad ko iyon hinawakan.
"Omaygod! My dream car!" mahina akong nagtititili at baka makaabala ako ng ibang tao. Kinuhanan ko iyon ng litrato at sinend sa mga kaibigan ko.
Me: I got it!
Dacey: Wow!
Irish: hala pasakay demonyo!
Jeni: let's start planning our swimming!
Sofia: Swimming?
Anj: Sige sige!
Nakangiti kong pinatay ang aking cellphone para pagmasdan muli ang aking sasakyan. May narinig akong ingay mula sa likod kaya humarap ako doon. May isang motor ang tumigil sa harap ko. Nalaglag ang aking panga ng tanggalin nya ang helmet na soot soot!
"G-Gab? Anong ginagawa mo dito?" ngumiti sya at pinatay ang makina ng motor. Hinawi pa muna nya ang kanyang buhok bago numaba doon at sumandal.
"Well, here to fetch you." Napaisip ako, wala naman akong maalala na nagpasundo ako sa kanya ah? Nabaling ang kanyang paningin sa aking kotse. "That's your car?"
Wala sa sarili akong napatango. "Ah oo, ngayon dumating."
"So I guess I need to teach you as soon as possible huh? How about weekends?"
Nagisip muna ako bago sumagot. "Sa linggo?"
"Bakit hindi ng sabado?" kunot noo nyang tanong.
"Ah, kase inaaya ako ni Marlon. Lalabas kami.." Umiwas sya ng tingin. Hindi nakaligtas sa aking mata ang pagigting ng kanyang panga.
"Date? Tomorrow then."
"No.. Just uhmm friendly date.."
"Date padin iyon," mahina nyang bulong.
"Ahh, teka maliligo lang ako ah? M-magstay ka muna sa loob ng condo ko.."
Tumingin ang kanyang matalim na mata. "Hmm?"

YOU ARE READING
My TOTGA
Roman pour Adolescents"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...