Chapter 17

0 0 0
                                    

First kiss


Buong gabi ay umiyak lamang ako kaya ang ending kinabukasan ay namamaga ang dalawang mata ko. Papasok palang kami ni Dacey sa school ay naririnig kona ang ilang akusa nila sa akin.

"Uy si Tyn oh.."

"Grabe sinasamahan padin sya ni Dacey?"

"Baka mamaya yung bf naman ni Dacey ang agawin."

Bumuntong hininga na lamang ako at hindi sila pinansin. Ganon din ang narinig ko sa buong room. Sila Sofia ay gustong lunapit sa akin pero nananahimik lang sila. Si Gab ay hindi ko tinitignan. Hanggang sa magperform kami ng hiphop.

Walang beses na tumingin ako sa kanya. Laging sa harap lang ang tingin ko o di kaya'y minsan nakatulala. Kaya sa huli ang napagdesisyunang sayawin sa festival ay ang sayaw nila Dacey. Nasa canteen kami at iisang table. Naririnig ko padin ang bulong bulungan ng ilang dumadaan.

"Grabe kasama padin nila si Tyn?"

"Baka mamaya lahat ng boyfriend ng kaibigan nya agawin nya."

"Baka pati si Arjie agawin nya kay Jeni?"

*BLAG!*

Agad na napatingin ang mga nagbubulungan kay Jeni.

"Pwede ba?! Ang ingay nyo umalis kayo jan!"

Nagsiirap ang mga nagbubulungan at umalis din. Bumuga si Jen ng hininga at umupo nadin. Ako ay nakatungo lang at nakatingin sa ibaba.

"So uhmmm... Baka pwede nating pagusapan yung nangyare? Tutal vacant natin mamaya.." suhestyon ni Anj. Walang umimik sa amin. Narinig ko ang pagbuntong ng hininga ni Jeni.

"Tyn.. Ikaw ang makakasagot nito..." nagangat ako ng tingin. Lahat sila ay nakatingin sakin. Si Gab ay sandali ko lang tinignan. Pero alam kung nakatingin sya sa kalmot na nasa muka ko.

"Hindi ba dapat si Christian?" mariin na sabi ni Irish kaya napatingin kami sa kanya.

"Oo nga..."

"So ano Christian magsasalita kaba o ano?!" hindi padin ako lumilingon sa kanya.

"I saw Irish first that's right," nanatili lang kaming tahimik. Ako ay kumakalabog ang puso ng narinig ko ang kanyang boses. "But then Klerstyn caught mine.. My eyes.. My attention.." agad akong pinagpawisan ng malamig. "Yeah, I use Irish to met her more.."

Napatingin ako kay Iris, nakayuko lang sya. Samantalang ang iba naming kaibigan ay napasinghap.

"I also know that John Mark like Irish, but I'm fuck up whenever Klerstyn's around. Kaya lumapit ako sa kaibigan nya para mapalapit sa kanya. When I told you I like someone else, it was her." nangibabaw ang sigaw ni Jeni sa canteen.

"Pero mali padin na ginamit mo ang kaibigan namin! Tignan mo ang nangyari!" nagangat ako ng tingin.

Tumingin lang si Gab kay Jen. He just smirked. "Then I'll fight for her," turo sa akin ni Gab! Agad akong yumuko muli.

"HA! AND YOU THINK THAT FIGHT OF YOURS WILL CHANGED THEY'RE MINDSET?" She said sarcastically.

"Then what will you do? Ilayo sya sa akin?" nagkatinginan kami ni Gab. Dumilim ang mata nya at nagsalita, "don't you ever do that."

"Hindi kami ang magdedecide para sa kanya. Sya ang magdedecide ng sarili nya." mahinahon na sabi ni Dacey.

"Then let her speak," ngumisi si Gab ay sumandal sa kanyang upuan.

My TOTGAWhere stories live. Discover now