Another Heartache
Pumasok ako sa loob, naghahanap kung saan ang cr. Magtatanong na sana ako sa isang crew, nang pagkatalikod ko ay kasabay naman na pagkakaharap ng taong iyon.
Nuggets (nagets) nyo ba?
Eh bala kayo paghindi nyo nagets.
"Sorry.."
"I'm sorry"
Medyo natawa pa kami netong tao na to ng sabay kaming nagsalita.
"Wait-do I know you already?"
Kumunot naman ang noo ko, parang pamilyar din sya sakin..
"Wait! Sa ice skating?"
"Yeah! Marlon?" nagshake hands kaming dalawa.
"I never thought I would see you again, here?"
"Well, me too.." nakalimutan ko na ata ang balak kong pagpunta ng cr. Di bali hindi naman ako naiihi talaga.
"Uhm, who are you with?" iginaya nya akong umupo kaya umupo muna ako sandali. Natanaw kong maggagabi na sa labas.
"I'm with my friends.."
"I see, last time I saw you you're with your friends too," ngumiti sya kaya napangiti din ako. Ang kyut kyut ng ngiti nya, nakakahawa.
"How about you?" sumimsim sya sa inumin nya.
"I'm actually alone, do you like some drinks?"
"Uy wag na, nakakahiya naman.." nakita ko syang nagtawag ng isang crew.
"Can you take the order of this beautiful girl here?"
Medyo nahiya ako, pero wala na akong magagawa eh. Mas nakakahiya kung tumanggi pa ako. Sa huli ay umorder nalang ako ng isang mango shake.
"So you're Tyn right?"
"Yeah," sumimsim ako sa kakadala lang na shake sa akin.
"Uh, I didn't actually introduce myself fully last time. I'm Marc Lonnie Bueneventura, Marlon for short," naglahad sya ng kamay, agad din naman akong nakipagshake hands.
"I'm Klerstyn Yuki Tomitaro.. Tyn for short.."
Mahina syang tumango at sumimsim sa iniinom nyang juice. "Tomirtaro? Is that Japanese? Maybe I heard it somewhere?"
"Yup, I guess on business?"
"Yes! You're right! Your family have farms around the world! Especially here and in Japan. Correct me if Im wrong?"
"Yup, the Tomitaro Farm Corporation?" tumango tango naman sya.
"Somehow can I get your number?" medjo nabigla ako pero hindi ko iyon pinahalata. Wala namang masama diba?
"Sure," I took my phone out of my bag, I open my contacts ang gave my number. Binigay nya din naman ang number nya. Inikot ko ang paningin ko, natanaw ko ang mga kaibigan ko dun! Si Jeni ay nginusuan ako at may sinenyas.
"Uh, I gotta go?"
"Sure, well I hope we see each other again next time?" tumayo na ako kaya tumayo din sya.

YOU ARE READING
My TOTGA
Teen Fiction"The One that Got Away" Akala ni Klerstyn ay ang magkagusto sa gusto ng kanyang kaibigan ay isa nang malaking problemang haharapin nya. Pero akala nya lang pala iyon, hindi pa pala doon natatapos ang sakit nang mahalin nya si Gab.... Does every love...